Tatlo

7 0 0
                                    


Tatlo







"Grabe! Ang sharap-sharap po!" Usal ko kahit medyo puno pa ang bunganga dahil sa naging sunod-sunod kong subo.

Pinaluto nga ni Jillian sa mommy niya ang paborito naming chicken curry. At ito ako ngayon, sarap na sarap sa ulam namin.

"Gio naman! Bawal magsalita kapag puno ang bibig!" Pasermon na sabi ni Jillian.

Hindi naman maawat ang mommy niya sa pagtawa.

"Nakakatuwa naman kayo! Pero Gio, huwag ka munang magsalita." Uminom ako ng tubig.

"S-sorry po. Ang sarap po kasi." Nahihiya kong sabi.

Sa bahay, minsan lang kami makaulam ng karne ng manok. Hindi pa palaging ganito ang luto dahil mas mura at madaling lutuin ang tinola. Kumpara din sa tinola, paniguradong mas mabilis itong mauubos dahil lalantakan ko talaga.

"Oh siya, kumain ka pa kung ganoon." Nilagyan ulit nito ang pinggan ko. Kaya naman inatake ko ito.

"Ang takaw mo talaga! Ako nga hindi ko pa maubos ang isang piraso nito. Samantalang ikaw, nakakalima ka na!"

"Gashnorn shalager..." Lumunok ako.

"Napagod ako dahil sa mga barbie mo kaya kailangan kong kumain nang madami." Sabi ko bago magpatuloy sa pagkain.

"Ang sabihin mo, matakaw ka lang talaga!" Hindi ko pinatulan ang gusto niyang pang-aasar dahil sobra talaga akong nasasarapan sa kinakain.

Nang matapos kami sa hapag ay bumalik kami sa sala. Dinalhan naman kami ng mommy niya ng dessert daw. Hindi ko naintindihan ang pangalan pero masarap.

"Siya nga pala... May gagawin ka ba bukas, Gio?" Naibaling ko kay Jillian ang tingin.

"Wala naman bukod sa sasamahan si tatay sa bangketa," Napaisip siya sandali.

"Bakit?"

Tumitig siya sa akin tapos ay ngumiti. "Magpapasama lang naman ako." Nacurious ako.

"Saan naman?"

Nilapag niya ang hawak na baso at umayos ng upo.

"Naalala mo ba 'yung pinuntahan natin last year?" Napaisip ako sa sinasabi niya. 

Wala akong matandaang iba maliban doon sa pinakamalaking bahay doon sa ikatlong kanto. Iyon lang naman ang madalas naming puntahan noon. Sa katunayan, iyon lang naman talaga ang pinupuntahan namin taon-taon. Gustong-gusto kasi niya ang mga dekorasyon ng bahay na 'yon kung kaya't binabalik-balikan namin. Mga sabit na Santa Claus tapos 'yung mataas na christmas tree.

"Taon-taon naman tayong pumupunta doon! Paano ko malilimutan?"

"Punta ulit tayo doon bukas. Samahan mo ako." Napansin ko ang mabilis na pagpikit-pikit ng mga mata niya. 

"Palagi rin namang ako ang kasama mo doon, bakit ka pa nagpapaalam?" Ngumuso siya matapos ay pinilit ako.

Noong una nag-aalangan ako kung pwede ba dahil tutulong ako kay tatay bukas. Sakto pa kasing linggo kaya kakailanganin ni tatay ang tulong ko. Pero siyempre, pumayag rin ako. Lalambingin ko na lang si tatay bukas para payagan rin niya ako.

Malakas naman ako sa kaniya.

"Yehey! Magdadala ako ng maraming chocolates para may makain tayo!"

"Ikaw ang bahala. Basta ba 'yong kaya mong bitbitin."

Nagpameywang siya at mataray na tumingin sa akin.

Christmas Lights beyond the Wall (Childhood Lane Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora