Chapter 12: Hubad

Start from the beginning
                                    

I imagined Joziah's irritated reaction at him kaya naman natawa na rin ako.

Nauna siyang pumasok at pinabayaan na nakabukas ang pintuan upang makapasok na ako.

Umupo kami malapit sa may glass wall. Kitang kita roon ang mga busy students.

"What do you want?" he asked while looking at the menu.

"Same with your order nalang," pagsagot ko. Nahihiya na mag demand pa ng kung ano anong pagkain.

"Alright," he said and nods his head at me. Pinitik niya ang kaniyang daliri at agad naman na lumapit sa amin ang waiter.

Hindi ko alam ang exact name ng inorder niya pero alam ko ay pasta iyon na may kasamang ice tea.

Humarap na siya sa akin. "So what do you wanna say to me?" tanong niya habang hinihintay pa namin ang pagkain.

Napatikhim ako. Kumukuha ng buwelo. Paano ko nga ba ito uumpisahin?

"Well I know that we are not that really close," panimula ko. Mataman lang siyang nakikinig kaya naman nagpatuloy na ako. "But I... want to be close to you," napapikit ako ng mariin. It's true tho but with a hidden agenda.

I'm sorry, Marcus.

Naglaro ang ngiti sa kanyang labi. Tila nasisiyahan sa aking binigkas. Napahawak siya sa kaniyang baba at tumitig sa akin. "I gladly want that too, Lorelei," he said and bite his lips to hide his wide smile.

Napanguso at napangiti na rin. Hind naman masama kung makipagkaibigan talaga ako sa kanya hindi ba?

"So... I think we need to share some info about each other. Para na rin mas makilala pa natin ang isa't isa," I suggested.

Hindi siya agad nakasagot dahil dumating na ang order. Pumagitna sa amin ang waiter na busy sa paglalagay ng mga pagkain sa la mesa. Pagkatapos niyon ay umalis na siya.

"Start to eat," itinuro niya ang pasta. "And about what you said, I agree. So if you have questions about me then spill it out," saad niya.

Ipinaikot ko sa tinidor ang pasta at sumubo niyon. Pagkatapos kong lunukin ay nagsalita na ako. "I know na magkakabarkada kayo. But I just want to know kung kanino ka mas close," I asked coolly. Nakatingin ako sa pagkain.

"Well I am close with all of them pero high school palang kami ay si Enzo na ang kaibigan ko."

Napatango ako. Salamat naman at siya na mismo ang nagpasok sa topic na iyon. Now let's get it on.

"Really? So matagal na kayong magkasama?" tanong ko.

Tumango siya. "Yeah, through ups and down."

"That's nice. Ibig sabihin din no'n ay alam niyo ang gusto ng bawat isa," I chewed the pasta and look at him.

Nanliit ng kaunti ang kaniyang mga mata bago sumagot. "Yup. I know what he likes to do kapag vacant namin. I also know his favorites."

"Base on your looks siguro ay may naging kasintahan kayo. And because you are bestfriend ay siguradong alam niyo rin kung sino ang gusto ng bawat isa."

He chuckled. "Are you asking about my past relationship?" bakas pa rin ang pagngisi niya.

Natawa ako at napapiling. "Not really but I am just curious," I playfully said.

"To answer your curiousity, Yes both of us had a past relationship," pagsuko niya. "Well for me I had two girls back then and for him he only has one girl. Minahal niya ng lubusan," uminom siya.

"I don't think that I have the rights to ask kung sino ang babae na iyon. So anyways, baka ikaw rin may minahal ka ng lubusan," I said and chuckled. Hiding my curiosity.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now