CHAPTER 43

606 8 0
                                    

CHAPTER 43

“Bakit ang tahimik mo?” untag ni Lean sa akin.

“Lean.. Anong gagawin mo tungkol sa mga sponsors na balak mag-demanda sayo?” worry laced my voice as I look up to him. Kasalukuyan kaming nasa pinare-renovate niyang bahay. Kasama namin ang buong pamilya niya at sina Jaddy, Vaughn at Brent.

Speaking of his family, nung isang araw ay na-ambush interview ang mga ito ng press. Nagulat ako sa ipinamalas na pagiging kalmado ng mga kapatid ni Lean at sa mga kasagutan ng mga ito sa bawat tanong ng media.

“Kung anuman ang nangyari sa mga magulang namin, hindi kasalanan ni Lean yun. Huwag nyo syang husgahan dahil sa pagkakamali ng mga magulang namin.”

Yun ang isa sa mga isinagot ni Kuya Henry, ang panganay nyang kapatid nung ungkatin ng mga ito ang tungkol sa isyu ng pagiging anak sa labas ni Lean. Nakaramdam ako ng tuwa dahil nakikita kong unti-unti nang nagiging maayos ang samahan nilang magkakapatid. Pati si Tita Lena ay mukhang napapalapit na ring muli sa apat niyang mga anak.

How I wish I still have my parents. Minsan hindi ko rin maiwasan na hilinging sana pwede kong pihitin pabalik ang oras. Sana ipinaliwanag ko ng maayos kay Papa ang kalagayan ko para hindi sya inatake sa puso sa sobrang galit. Sana hindi ako nagtatakbo palabas ng ospital noong pilitin nila akong ipalaglag ang dinadala ko para hindi naaksidente si Mama. Sana may pamilya pa ako ngayon.

“Hey, are you listening?”

Napaangat ang tingin ko kay Lean.

“Sorry, may naisip lang ako.”

“Care to share?”

Umiling ako at ngumiti.

“So ano na ulit yung sinasabi mo kanina?”

“I said don’t worry about it. Haharapin ko lahat ng consequences ng mga desisyon ko. And speaking of decisions, please don’t make decisions by yourself. Naiintindihan ko naman na kaya ka pumayag kay Uncle Rui sa annulment noon ay para protektahan ako. At naiintindihan ang paliwanag mo na kaya ka pumayag magpakasal kay Paulo ay upang pigilan siyang sirain ang pangalan ko. Pero Shan, para sa akin, mas mahalaga ka kesa sa stature ko. Showbusiness is showbusiness. I know too well that even the slightest issues can make people turn their back on me. I’m aware of that fact, that’s why I expected to lose my fame and popularity sooner or later. Pero ikaw, ikaw Shan, constant ka. Ikaw ang constant sa buhay ko kaya please lang, don’t think that it fair to trade yourself for my fame. You are far more important to me than that.”

Napakagat akong muli sa labi at niyakap sya.

“Sorry hubby. Hindi na mauulit. Kahit sino pang magsabi sa akin na layuan kita, hinding hindi na kita lalayuan. Kahit pa sabihin nilang pamumulubihin ka nila kapag hindi ako lumayo, kakapit pa rin ako sayo. Unless, ikaw na mismo ang lumayo sa akin. Unless ikaw na mismo ang umayaw.”

“Hindi mangyayari yan.”

“Pero hindi mo sinagot ang tanong ko, ano ngang plano mo sa mga dati mong sponsors?”

Huminga sya ng malalim.

“Ang kulit mo rin eh. Sabi ko sayo huwag ka ng mag-alala.”

“Hindi kasi pwedeng hindi ako mag-alala, Lean. Asawa mo ako, I’m involved in this, and I want to support you.”

Ikinulong niya sa mga palad ang mukha ko at kinintalan ako ng magaang halik.

“You beside me is enough moral support. Pero para sa ikatatahimik ng kalooban mo, okay. I have to go back to Japan dahil ang mga sponsor na nag-de-demanda ay naroon, and I have to face those cases one by one. If I have to pay damages, I will.”

The (Un)Forgotten HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon