Chapter 1: The Whirlwind

1.4K 19 0
                                    

2006.

Maingay ang mga kaklase ko habang bumabyahe kami patungong batanes.Ready na lahat ng kailangan naming gamit para sa shooting ng short film na project namin.

Needless to say, excited kaming lahat.

Nagpatugtog ang mga ito ng kanta mula sa de bateryang component radio na dala ni francis. Nasa bangka kami noon ngunit walang pakialam ang mga ito.

Iginala ko na lang ang paningin sa malawak na dagat. Natatanaw ko na ang isla ng batanes. Maganda ang panahon ngayon at bughaw na bughaw ang kalangitan.

Pagdating namin sa batanes, agad na gumala sa dalampasigan ang mga kaklase ko. Emote emote-an din ang effect ko at humanap ako ng isang secluded na area. Kailangan ko ng katahimikan at inspirasyon dahil hindi ko pa naiisip kung anong magandang ending sa istorya ng film namin. Kailangan ko rin ng konting adjustment upang itugma ang kwento sa lugar.

Medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag kaya naman conducive para sa malikhaing pag iisip sa akin ang ambiance.

Medyo malayo-layo na pala ang nalakad ko, di ko na sila matanaw. Malalaking bato na ang nakapaligid. Dinudurog ng mga batong ito ang mga palalong alon na buong pusok na sumusugod sa pampang.

Ang tubig dagat na nakakalusot sa batuhan ay nakakarating sa kinatatayuan ko na mas maliliit na bato at humahalik sa aking kayumangging paa. Naks! Gumagana na naman yata ang literature-stained blood ko.

"I will conquer you, ocean." Ngumiti ako at tumingin sa dagat para lang mapakunot-noo.

Sa ibabaw ng tila moog ng mga bato ay nakatayo ang isang lalaki. Nakaharap ito sa dagat at dahil papalubog na ang araw, silhouette na lang nito ang nakikita nya.

And boy was he sexy! The kind of body that girls and gays alike will surely drool over. Medyo mahaba ang may pagka-wavy nitong buhok.

'The conqueror.' He looked like one.

"Do you enjoy what you see?"

Napapitlag ako. May bahid ng galit ang tinig nito na tila ba ikinaiinis ang pagkaistorbo sa kanyang pag-iisa.

Humarap siya sa akin. He looked damn familiar, but she can't be sure. It can't be 'him', right? And shit! He's approaching me!

"Bit your tongue?" Sarkastikong tanong nito.

"Uh.." Oo yata, nakain yata ng pusa ang dila ko. Waaah! Someone stole my ability to speak!

"What do you want? An autograph? A picture?" He's mocking me to shame.

Hindi. Mali ito. Hindi ganito ang nasa isip ko. Sa isip ko, siya yung magpi-flirt, tapos ako yung magsusungit. Ganun dapat yun, di ba???

Nakaka-disappoint naman. Nakakainis siya! Fake ang lalaking ito, hindi siya si Lean! Isang complete gentleman ang pinaka-iibig niya, hindi isang uber conceited, self-satisfied na lalaking kagaya ng kaharap niya ngayon.

"I did not come here for you." Sa wakas! Sa wakas, nahanap ko na ang nawawala kong boses! Yey! And take note, cool na cool ang pagkakasabi ko nun. Parang wala talaga akong pakialam dito.

"Right. Who are you fooling? Are you a stalker?"

Aba't-! Naba-badtrip na talaga ako. This guy can't really be Lean, right?

"Who do you think you are?" inis na tugon ko.

"I know who I am. And I'm sure you also do. Unless you are a hypocrite." Yumuko pa ito upang ilapit ang mukha sa akin.

Waah! Ambango niya.

"Of course, I know who you are because I don't have a choice. Your face is everywhere, it's irritating. Knowing your face and your name takes up a space in my brain's memory. Such a waste, isn't it?"

Tumuwid ito ng tayo, nakasimangot.

Score!

"She thinks she's beautiful." Mahina lang iyon ngunit dinig na dinig ko. Tumalon na ito pababa sa buhanginan.

"The nerve-! Hey-!" kasunod niyon ay ang tili ko ng dumulas ang mga paa ko sa pagtatangkang habulin ito.

And I found him beneath me in an instant.

"Are you alright?" Mukhang concerned naman ito, impeyrdness!

Tila nakain ko na naman ang aking dila. Ano ba namang boses ito, unrealiable! Kasi naman, nalulunod na ako sa mga mata niyang napaka-expressive.

Nagha-hallucinate yata ako. Pero ramdam na ramdam ko ang mga muscles niya sa ilalim ng aking mga palad. How I wish his clothes are off.

"This is such a dirty trick! How stupid of me to fall for it." Okay, back to being suplado ang damuho.

"I.."

"Shut up. Just get off me."

"It was an accident!"

"Accident my ass!"

"Aba't-!"

Nanggigigil na rin ako sa inis. Pwede ring sa pagkapahiya. I'm sure huling huli nya ako na naglalaway sa muscles nya. An-yummy kasi! Kakainis, di ba??

"Ang kapal ng mukha mo, hiningi ko ba sayo na saluhin mo ako? Feeling kang lalaki ka!" Bahala sya sa buhay nya, kahit murahin ko sya, I'm sure di naman nya ako maiintindihan. Hehe..

"So it's my fault now?" Nakataas ang kilay nito.

Napatanga ako. Ansabeh?

Ngumisi ito.

"I'm sure you also know I'm half Filipino. I understand Tagalog, although I'm not really good in speaking it. Now get off me, you rdamsel-in-distress drama no longer works."

Nagdadabog akong tumayo at iningusan ito. Ayoko pang umalis sa dibdib niya, kakairita!

Mabilis kong tinahak ang daan pabalik sa bahay na tinutuluyan namin, habang malakas ang kabog ng aking dibdib.

...to be continued..

The (Un)Forgotten HalfWhere stories live. Discover now