The (Un)forgotten Half Part 5

891 8 1
                                    

Sheesh! Lean is really starting to get in my nerves. I must admit, though, that I'm still finding it surreal. Him being actually here. Really!

Ilang beses nang nag-krus landas namin, parang pinaglalaruan lang ako ng tadhana. Hindi ganito ang na-imagine kong paraan kung paano kami magkakakilala. And most importantly, sa hinagap ay ni hindi sumagi na posibleng magkatotoo ang mga pantasya ko.

Given, napahiya ako kanina dito at sa mga kaibigan nito. In fact, it's humiliation beyond what I consider tolerable. Not when the three of them saw me almost naked. But still, it's LEAN, for crying out loud.

Ready na sa shooting ang mga kaklase ko nang pumasok ako sa bahay na tinutuluyan namin.

"Saan ka nanggaling ng ganito kaaga?" si Harley iyon. Nag iwas ako ng mukha dito. Medyo flushed pa ako sa kahihiyang nangyari kanina.

"Si Coco," sa halip hinanap ko ang pinakapaborito kong kaibigan sunod kay Harley.

Sabay-sabay nilang itinuro ito. Ayun, bagong bago, tulog sa sofa. Naka-bilot na parang monay. Masa talaga ito eh. MASAndal, tulog. Ang hobby nito, kung hindi matulog, kumain!

**pakitingnan po si Coco sa gilid---------------->**

"Sus, gising na yan kanina di ba?" sabi ni Harley.

"Wag ka na magtaka, alam mo na yan, bagong-bago!" si Lira ang sumagot. Nagising ang tulog sa lakas ng tawanan namin. Mabuti naman.

After breakfast, nagtuloy na kami sa beach. Doon ang setting ng shooting namin ngayong araw. Nauna na ang aming mga kasama. Naiwan kami dahil hinihintay ko si Coco. Kung hindi ko kasi gagawin iyon, malamang, makatulog na naman ito. Sa wakas, nakatapos din sya sa mga kalandian nyang make-up. Paalis na kami nang tawagin ko si Harley.

"Harley, ano pang ginagawa mo diyan," kanina pa kasi ito nagbubungkal sa kusina.

"Mauna na kayo, susunod ako."

Natuwa naman ako nang makitang ready na ang mga classmate namin.

"Wow ha, nahiya naman ako sa ayos ng set. Wapak na wapak!"

"Syempre, ako ang Diwata ng Kagandahan kaya nagagawa kong maganda ang lahat ng nais kong pagandahin," mataray at taas kilay na sagot ni Fran. Lumakad pa ito ng pakendeng-kendeng sa harap niya. "Eto lang-!" sabay itinuro si Rina. "Eto lang, wala talagang pag-asa na mapaganda!"

Sabay-sabay na naman kaming nagtawanan. Insecured kasi si Fran sa kagandahan ni Rina. Effortless.

"Hiyang-hiya naman ako sayo. Haha! Ipinanganak na kasi akong maganda, to the highest level na, so paano mo pa mapapaganda ang napakaganda na??"

Basag!

"Taray!"

"Wala ka pala kay Rina eh."

"Panis!"

“Mga echosera kayo!” sigaw ni Fran. Lalo kaming nagtawanan. Nagdadabog at nakairap akong nilapitan nito. “Magsimula na kasi tayo, bilis na!”

“Makautos. Ikaw director?” tinaasan ko lang siya ng kilay. Wala pa kasi ang lead cameraman, si Harley.

“Hey, I’m here na.” As if on cue ang pag-appear nito ha.

“Ikaw na ang paimportante!” si Harley ang napagbuntunan ni Fran ng inis.

“Heh! Ipinag-prepare ko lang ng hot tea si direk.”

An-swet talaga ng bestfriend ko. Kaya mahal na mahal ko ito eh. Alam na alam niya ang mga hilig ko.

“Eh di kayo na, kayo na talaga! Gora na tayo, tumataas na ang sikat ng araw, it’s not good for my skin. Ewww!”

Napaka-arte talaga ng baklang ito. Okay, scratch that. In between pa pala ito. Di pa totally naglaladlad. Baka di pa decided. Hehe..

The (Un)Forgotten HalfWhere stories live. Discover now