CHAPTER 36

468 13 1
                                    

CHAPTER 36

What the hell-?!” mahina akong napamura. Sinong hindi mapapamura, eh nakikita ko na naman si Lean! Papasok sya sa restaurant na kinaroroonan namin ni Paul. I thought I also saw him in the arcade earlier pero iniisip kong masyado lang akong anxious sa presence nya kaya napa-praning na ako at pakiramdam ko eh maghapon nya kaming sinusundan ni Paul sa date namin.

He’s wearing a pair of dark eyeglasses and a cap that almost hides his face. Pero yung damit nya, ganon pa rin sa suot nya kaninang nag-crash sya sa almusal namin ni Paul.

Hindi ba talaga nya ako tatantanan??

Pinigil ko ang sarili na komprontahin sya. This is a public place, wala akong karapatan na pagbawalan sya na pumunta dito. At malamang sa malamang, pagbibintangan pa ako ng lalaking yan na assuming kung aakusahan ko syang sinusundan kami ni Paulo.

Lean chose a table that’s nearest to us.

Napasulyap si Paulo sa kanya at agad na nagsalubong ang mga kilay. Nakita ko ang pagtiim ng kanyang mga bagang na tila ba pinipigilan ang sarili na gumawa ng anumang drastic na hakbang.

“Hindi ba tayo lulubayan ng lalaking yan?”

Ginagap ko ang kamay ni Paulo.

“Baka naman.. coincidence lang na dito rin nya naisip maghapunan,” sagot ko na lang kahit hindi rin ako kumbinsido sa sinabi ko.

“Coincidence? Lahat ng pinuntahan natin maghapon, nandun sya. How is that coincidence?!”

Muli akong napamura sa isip ko. Hindi nga ako nagha-hallucinate kanina kung maging si Paul eh nagsasabing nandun sya sa lugar na pinuntahan namin maghapon.

“Paul, huwag na lang tayong magpa-apekto, okay?”

“Paanong hindi, Shanine?! Paano ako matatahimik gayong alam ko na may totoo sa mga sinabi nya sa akin kanina? Almost eight years, and I still feel like a stranger to you! You keep on putting me off, pakiramdam ko hindi ka lang talaga interesado sa proposal ko.”

“That’s not true, Paulo.”

“Prove it. Marry me, Shan.”

Napaawang ang mga labi ko. This Paul in front of me is a bit too forceful today. Nakikita ko sa mga mata niya ang determinasyon na pigain sa akin ang sagot na gusto niyang marinig.

Nagbaba ako ng tingin.

“You know I was married once, Paulo. And I did it without much thought, puro emosyon lang ang pinagana ko. I don’t want to make the same mistake again..”

Napabuntong-hininga si Paul.

“I know. I’m sorry. I’m sorry, Shan. Maybe that Lean just really got under my skin today, kaya hindi ko na naisip ang side mo. I’m sorry, Babe. This is why I’m asking you to share to me your past, para naman mas alam ko kung anong dapat kong gawin.”

Umiling ako.

“Hindi na kasi importante ang past, Paul. It’s enough that you know I was married and it just went wrong. Let’s not dig into the details, please,” pakiusap ko.

“Okay,” tila masama ang loob na sagot niya at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.

Nanahimik na rin lang ako at muling sumubo.

“WHAT DO YOU NEED FROM ME?!”

Napaangat ang paningin ko sa lakas ng boses ni Lean mula sa kabilang table. Tumayo pa sya ng marahas kaya lumikha ng ingay ang upuan niyang umurong sa kanyang pagtayo. Napalingon rin sa kanila ang ibang kumakain sa restaurant. Na-realize nya naman iyon agad at agad na hininaan ang boses at bumalik sa pagkakaupo patalikod sa ibang parukyano ng lugar.

The (Un)Forgotten HalfWhere stories live. Discover now