CHAPTER 16

442 9 0
                                    

CHAPTER 16

Mabilis lang lumipas ang isang linggo. Araw-araw, dumarating sina Lean sa bahay namin. Gayundin sina Coco at Harley na sa bahay na muna natutulog dahil wala akong kasama. Kailangan din kasing bumalik nina Lean sa hotel nila upang hindi maghuramentado ang kanilang manager.

Lumilipas lang ang oras sa aming pagke-kwentuhan, pag-aaway-away na parang bata, pagseselosan sa maliliit na bagay, pagpapaliwanagan, pagdidiskusyon ng walang kwentang mga bagay (pati pulitika at panahon hindi namin pinatawad), paglalaro (pati baraha pinatos na namin) at minsan nakikisali kami sa Love 101 nina Brent at Coco.

Minsan-minsan, inuulit namin ang aming pag-i-stroll sa lansangan kahit mahirap, dahil laging may mga matang nakamasid, pero ganun talaga eh. Masayang gawin, kaya ginagawa namin. We sneak around in disguise. One time, we almost blew their cover and some people threw us curious glances. Nang makita naming hindi na makatiis ang isang grupo ng mga estudyanteng babae at akmang lalapit na sa amin, bigla kaming nagtakbuhan, laughing like mischievous kids do.

"Tingin mo ba talaga magugustuhan niya ito?" tanong ko kay Coco habang nakapila kami para makapasok sa coliseum kung saan gaganapin ang concert kung saan magge-guest sina Lean.

"Ma, pinaghirapan mo yang gawin, I'm sure magugustuhan nya yan."

"Pero.. baka sabihin nya naman tinipid ko sya at hindi ko na lang sya binilhan ng regalo. T-shirt, necktie, polo.."

"Ma, kayang-kaya niyang bumili niyon, ano ka ba! Your gift is one of a kind. Something he can be sure na walang katulad sa buong mundo."

Tumango-tango ako. No time to turn back dahil nasa entrance na kami. Kinapkapan kami ng gwardya at pinayagan ng makapasok.

VIP seats ang ibinigay ni Lean sa amin kaya naman nasa bandang unahan kami ni Coco. Kitang-kita ang stage mula sa kinauupuan namin.

Kaya naman hindi kami magkamayaw ni Coco sa pagsigaw sa mga artista, singers at dancers na nag-perform.

"Aaaaahhh! Jericho, ang gwapo moooooo!" hiyaw namin. Ang gwapo, chenes!

Maya-maya naman, nag-perform si Bamboo at naki-join kami sa pagkanta niya ng Hallelujah at Tatsulok.

Syeteness! Hindi naman sya talaga gwapo per se, pero ang gwapo lang ng arrive nya. Anlakas ng dating lalo na sa leather black jacket sa ibabaw ng isang manipis na putting v-neck shirt at maong na pantalon. Spell hot.

Pero nang i-introduce sina Lean, Vaughn at Brent, naging erratic ang tibok ng puso ko. Halos lumukso ito sa aking lalamunan at hindi ko na mamalayan kung paano ko pa ilalakas ang paghiyaw.

Hindi naman singer ang tatlong ito, pero may kaaya-ayang boses din naman.

May hawak silang kanya-kanyang gitara nang lumabas sila sa stage.

Di magkamayaw ang pagsigaw ng mga nanonood at hindi ko na alam kung paano ko pa pangingibabawin ang boses ko. Huhuhu..

He scanned the crowd. At napanguso ako nang lumampas lang sa pwesto ko ang paningin niya. Di nya ba ako nakita? Kukutusan ko sya mamaya!

"Magandang gabi, Aranetaaaaa!" sigaw niya. All hell broke loose.

Yeah, just like that, he threw the place into pandemonium.

'GYAAAAAAH! MARRY ME, LEAN!"

"PLEASE BE MINE, LEAN!"

"LEAN, YOU'RE SO HOOOOT!"

"I LOVE YOU, PAPA L!"

"AAAAHHH! ANAKAN MO AKO!"

Nagpapanting ang tenga ko sa naririnig. Takte ang mga ito, akin ang lalaking yan! Akin!

The (Un)Forgotten HalfWhere stories live. Discover now