CHAPTER 25

481 16 4
                                    

CHAPTER 25

“Brent, I need you to bring out a little more of your emotion,” pormal kong wika sa binatang kasalukuyang nakaupo sa lounging chair at umiinom ng tubig. Naka-ilang take na kasi ang eksena niya at hindi pa rin ako nasa-satisfy sa kanyang acting kaya naman binigyan ko muna ng ilang minutong pahinga ang lahat. They all seem tired. Kahit ako ay medyo pagod na rin, lalo na at medyo bumabalik ang sama ng aking pakiramdam.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Brent at saglit na sumulyap sa akin.

“Sorry I’m not that good in pretending to be in love. Maybe you can share me the trade secret?”

Napatuwid ako ng tayo. Was I imagining the sarcasm?

“Excuse me?” nakaangat ang kilay na wika ko.

“You’re a phenomenal director, I’m sure mabibigyan mo ako ng pointers para mas maging mabisa ang pag-acting bilang isang taong in love.”

Huminga ako ng malalim.

“Have you ever been in love, Brent?”

“That sounds familiar. Haven’t your pesky friend ask me the same question years ago?” kinuyumos niya ng palad ang plastic cup na ininuman.

Napangiti ako.

“So you remember your conversations, then?”

“It’s not like that! Don’t overwork your imagination!” padabog siyang tumayo at iniwan ako. Napapailing ko syang sinundan ng tingin.

Brent is a mystery.

I turned around patungo sa jag ng tubig. Nakita kong kumukuha doon ng maiinom si Vaughn. Kung may hindi man nagbago sa kanilang tatlo, yun ay ang pagiging independent nila. Hindi sila katulad ng karamihan sa mga artista na prima dona.

Vaughn leaned on the side of the table and looked at the sea. Tumabi ako sa kanya at tinanaw din ang dagat.

“Why?” tanong ko makalipas ang ilang sandali na hindi inaalis ang paningin sa beach.

“Why what?” sagot niya na hindi rin kumikilos.

Napakagat ako sa labi. Why what? Hindi ko rin alam kung anong BAKIT nga ba ang tinatanong ko. Sa dami ng naipong BAKIT sa loob ko, hindi ko na alam kung alin ang gusto kong itanong.

“Never mind,” bahagya pa akong umiling. “Do you remember years ago I told you I want you to be my Ibarra,” banggit ko sa isang  napag-usapan namin noong panahon na hindi pa nagkakanda-letse letse ang buhay ko.

This time, lumingon na sya sa akin at ngumiti ng banayad. Napamata ako sa kanya. Eversince I met them again after a long while, ngayon ko na lang ulit sya nakitang ngumiti sa akin ng ganyan.

“I thought you don’t remember that anymore,” wika niya.

“I meant it when I said it, bakit ko naman makakalimutan.”

“Well, I thought you never meant anything you said before,” namulsa siya at muling tumingin sa malayo.

“W-What??”

“Never mind.”

Gusto kong magtanong. Gusto kong malaman ang nangyari. Gusto kong malaman ang eksplanasyon para sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Gusto kong humingi ng kasagutan sa lahat ng tanong ko.

I cleared my throat.

“By the way, I’ve found your Maria Clara.”

Muli siyang lumingon sa akin.

“Or more like, you found her.” I nodded towards the direction of the woman sitting beside Lean and Brent.

Hindi siya umimik.

The (Un)Forgotten HalfWhere stories live. Discover now