CHAPTER 19

429 7 5
                                    

CHAPTER 19

Nagising ako sa pakiramdam na binugbog ang aking katawan. Sobrang sakit.. physically, emotionally..

Kinapa ko ang benda sa ulo at napansin ko ang nakatusok na IV sa akin.

“Shan..?” si Harley.

“Ma..?” si Coco.

“Si Mama?” ang una kong tanong.

Nagkatinginan sila.

“Shan, magpahinga ka muna.”

“Harley, si Mama?” nagpa-panic na ang boses ko.

“Shan..”

“Si Mama! Gusto kong makita si Mama! Nasan sya? Bakit wala sya sa tabi ko?!”

“Ma.. kasi..”

Mabilis akong nagtangkang bumangon, pero bigla ang pagsalakay ng matinding kirot sa aking tiyan. Saka ko lang napansin ang binder na naroroon. Nanlaki ang aking mga mata at bumaling sa dalawang nakatayo sa tabi ko.

“Coco, tumawag ka muna ng doctor,” baling ni Harley kay Coco.

“HARLEY! ANG ANAK KO?? ANONG GINAWA NYO? ANONG GINAWA NYO SA ANAK KO??”

Natatakot akong marinig ang sagot niya. Hindi siya umimik, pero higit pa sa mga salita ang itinugon sa akin ng kanyang mga mata.

Napahagulhol ako ng malakas.

“Ang baby ko….!”

“Shan, wala ng choice ang doctor. Nung itinulak ka ni Mama para hindi ka masagasaan, nagkaroon ng internal bleeding.”

“Pinatay nila ang baby ko! Bakit mo pinayagan Harley? Di ba kaibigan kita? Di ba?! Di ba?!”

Hysterical na ako. Wala akong pakialam. Sobrang sakit ang nararamdaman ko.

Magkakasunod na pumasok sina Coco, ang isang doktor at isang nurse. Nang makita ng doktor na nagwawala ako, tinanguan nya ang nurse. May itinusok itong syringe sa IV ko, at ilang saglit lang, para akong nawalan ng lakas.

Naririnig ko sila, nakikita ko sila, naiintindihan ko sila. Pero kahit anong gawin ko para makagalaw, kahit gusto kong sumigaw ng sumigaw, hindi sumusunod ang katawan ko sa akin.

“We just sedated you a bit. Hija, you have to know that it was a matter of life and death, we had to perform an emergency operation on you. Kahit hindi namin ginawa iyon, malalaglag ang sanggol because you were already bleeding heavily.”

Hindi ko man magawang humagulhol ng malakas, kusang lumalagaslas ang mga luha ko. Nakikita ko ang mukha nina Coco at Harley, nakikita ko na nasasaktan sila ng sobra-sobra para sa akin.

“Ma..” kahit sobrang hirap, kahit sa palagay ko’y ungol lang ang naririnig nila mula sa akin, pinilit kong bigkasin ang isang salita. “M-Ma..ma..?”

Tumingin ang doktor kina Harley. Napalunok ang mga ito. Nagpikit pa ng mga mata si Harley na parang hindi na niya kaya pang makita ang paghihirap ko.

“Your mother..” Maging ang doktor ay bahagyang nag-alinlangan pero humarap pa rin sya sa akin. “..is DEAD.”

Napapikit ako ng mariin. Mariing mariin na parang ayoko ng magmulat. Ayoko ng makita pa ang mundo. Ayoko nang harapin ang reyalidad.

When it rains, it pours.. and rain is flooding my world, I’m drowning.

Lean.. Lean, I need you badly. Please, please hear my plea. Lean please..

--

I found myself in a cliff. Nilingon ko ang bangin na nasa ibaba ko, pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa itaas. Naroroon si Lean. Yumuko sya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko, iniangat niya ako mula sa kinaroroonan ko.

The (Un)Forgotten HalfWhere stories live. Discover now