CHAPTER 29

444 10 0
                                    

CHAPTER 29

I looked around. Everything is achingly familiar, at ngayon pa lang, pakiramdam ko naso-suffocate na ako sa pagdagsa ng mga alaala.

I swear I’ll kill that woman, kung sino man sya!

Ang kamoteng si Jay, hindi pa rin ipinapakilala ang ipinalit niya kay Ena. I would have wanted to meet and orient her first, get her into a bit of workshop and practice, pero dahil nga kamote si Jay, nganga pa rin ako hanggang ngayon.

Pero sinigurado ko sa kanya na pag hindi ako nasiyahan sa ipinalit niya, kahit sinong primadonna pa yun, ihahagis ko sya pabalik sa pinanggalingan niya.

Okay. Maybe I would need Harley’s muscles to do that.

“Mama..” tawag sa akin ni Coco at nilinga ko sya. May bahid ng pag-aalala sa boses nya habang inililinga rin sa paligid ang paningin.

“Don’t, Coco, please. I’m fine.”

Bumuntong-hininga siya.

“Sino ba kasing bagong gaganap na Alexandra? Bakit nag-iinarte sya na dito pa sa Batanes ganapin yung beach scenes?” nakahalukipkip na tanong na lang niya.

Umiling-iling ako.

“I don’t know. I really want to kill Jay right now,” tugon ko at sinipa-sipa ang buhangin sa aking paanan. Ang conference na hiningi ko sa kanya ay hindi rin natupad dahil hindi pa daw ready na magpakita yung ipapalit niya kay Ena. Masyadong paimportante. Kung hindi lang talaga personal choice ni Jay iyon, nunca na pagtyagaan at sundin ko ang gusto niya. Pero ang sabi ni Jay, pumayag ang babaeng iyon na ibawas sa TF niya ang anumang additional expenses na magagastos dahil sa pagpapalit ng lugar ng shooting. Kaya naman hindi na rin ako umalma.

Ayoko rin namang umurong dahil lang sa lugar na ito gaganapin ang filming. Hindi ako duwag.

Dinukot ko ang cellphone nang maramdaman ang pag-vibrate niyon at nakita kong tumatawag si Paulo.

“Hey,” bati ko.

“We didn’t get to talk.”

“Paul, hayaan mo munang matapos ko ang project na ito, please. Wala ako sa tamang huwisyo ngayon para mag-decide ng mga bagay na pang-habambuhay,” paliwanag ko.

“Or maybe you just don’t plan on marrying me,” may bahid ng tampong wika niya.

“Don’t be like that. You have no reason to think that way.”

“Really? Then, if you really think about us in the long run, bakit hindi mo magawang buksan sa akin ang sarili mo? We’ve been together for so many years, pero hanggang ngayon, I’m still in the dark about your past. There was a reason why you were in that state when we met. I know you had a very deep wound, at pakiramdam ko hanggang ngayon hindi pa rin naghihilom iyon kaya’t hindi mo pa rin magawang i-share sa akin ang lahat. I’m virtually a stranger to the Shanine Basco before I met you.”

“Akala ko ba hindi na mahalaga ang past?”

“If it doesn’t affect you anymore, yes. Pero pakiramdam ko kasi, nasa pagitan pa rin natin ang nakaraan mo. And I hate when I don’t know kung ano ba talaga ang kinakalaban ko. I felt like I’m fighting in the dark. I don’t even know if you care about me winning.”

“Wala kang kalaban, Paul. You don’t have to say it like that.”

“Let’s talk when you get back from Batanes.”

Napipilitan akong sumang-ayon. Alam kong unfair. Unfair na lagi ko na lang isinasaisantabi si Paul. When was the last time that we had a date? Ah, before this film even started.

The (Un)Forgotten HalfWhere stories live. Discover now