•05•

512 46 31
                                    

The clinking sound of the spoon and fork against the plates can only be heard since no one dared to speak. Si Wonyoung panay nakaw ng tingin sa kaharap niyang si Eugene na tila mauubusan ng pagkain. Pagkain na of course, specially cooked by our dear protagonist.

Mukhang sarap na sarap ang taong aso sa luto niya.

Still, Wonyoung can't believe what she just found out today. Ikaw kaya magising na may taong asong katabi? Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo niya. Yikes, mukhang matatagalan pa bago siya masanay sa buntot ng kasama niya.

"Asjkgfsfg sgdfjksgdhf gsdjfs!" (Ang sarap naman nito master!) Sabi ni Eugene na puno pa rin ng pagkain ang bunganga.

"Dahan-dahan lang, baka mabulunan ka. Oh eto tubig." Wonyoung offered her a glass of water. Agad naman itong tinanggap ni Eugene. Laking gulat ni Wonyoung na naubos agad ang laman sa isang lagok lang. Ininom na tila uhaw na uhaw.

Eugene's eyes flickered.

"Master, ang sarap ng niluto mong pagkain." Puri niya. Wonyoung felt something hot on her cheeks. For sure namumula na siya dahil sa hiya. First time niya kasi makarinig ng compliment tungkol sa cooking skills niya. Kahit si Yena na mismong best friend niya hindi niya pa nilulutuan. Si Eugene pa lang.

"Talaga? Sige sabihan mo lang ako pag gusto mo pa ha? Kain ka lang." Wonyoung can't help but smile. Ansaya saya niya na agad dahil sa compliment. Hayaan niyo na muna raw siya.

"Kung ganon, pwede pahingi ng isa pa?"

"Sure!"

"Anong sure, master?" Eugene slightly tilted her head. Eyes full of curiousity. Wonyoung can't help but scream mentally. What she witnessed was just too cute to handle.

Maybe this isn't that bad at all.

"Ang ibig kong sabihin, oo pwede kang kumain ng isa pa. Kahit ilang beses pa!" Sabi ng ating bida habang nakangiti.

.

"Master isa pa."

"Oh eto."

.

"Master pahingi pa isa."

"Here."

.

"Master isa pa."

"A-ayan na..."

.

"Master—"

"Oo na."

.

"Master isa pa tsaka pahingi rin ng tubig."

"Hindi ka pa busog!?"

"Gutom pa rin ako master eh."

"ANO!?"

.

"Master pahinging isa pa."

"..."

.

"Master—"

"Yung totoo sino ba yung dapat pinagsisilbihan dito? Buong araw ka nang kumakain ah?"

"—Pahinging tubig..."


"Mayghad marga!"


"Sino si marga? Ang pangalan ko ay Eu—"


"Oo na tahimik na kukuha na ako ng pagkain tahimik na!" Wonyoung frustratedly marched away from Eugene. At first natutuwa siya kasi nakakakain ng mabuti ang kasama niya. But she's been eating for almost a whole day now. Once, twice, thrice, hanggang sa hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang binigyan ng pagkain si Eugene. At iniisip niya kapag nagpatuloy pa to, pakiramdam niya wala na siyang makakain sa susunod na linggo, o baka sa susunod na buwan.


master | annyeongz [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon