•01•

993 59 112
                                    

Once upon a time, sa malayong malayong lugar-

Well, not really that far.

May isang babaeng masayang naglalakad sa daan. Hindi niya mapigilang ngumiti at tumawa dahil sa magagandang nangyari ngayong araw.

Pinansin daw kasi siya ng crush niya.

She giggled. She can't help but daydream. Dahil sa nangyari, she felt the urge to create names for her babies in the near future. Ganun siya kalandi.

"Lord kung hindi man siya ang para sa akin, pwedeng bigyan niyo po ako ng cute na jowa?" Tanong niya habang nakatingin sa langit.

She's young. Nasa highschool palang kasi siya. Pero walang jowa since birth. Aba, gustong gusto na niya magkajowa! Prospect niya crush niya sa school eh. Kaso mukhang malabo na hindi. Napansin na kasi nito ang existence niya sa school.

Pumasok siya sa bahay niyang good mood at natulog nang nakangiti.

.

The next day, she came to school really early. Excited na makita ulit ang crush niya. Heck, she even prepared a gift and a chocolate.

Ang kaso, siya palang yata ang tao sa school.

Napaaga siya ng dating. As in sobrang aga!

"Sige lang, kaya ko namang maghintay." She convinced herself. Nakaya niya ngang hintaying mapansin siya ng crush niya, itong paghihintay sa school pa kaya? She shyly tucked her hair on the back of her ear. This is it pancit. Magkakajowa na siya!

Pero mukhang hindi pa yata. Kasi the moment na binigay niya ang gift at chocolate, biglang tinaboy ng crush niya. Ang sabi ayaw niya. Medyo nalungkot naman ang malandi, pero hindi raw siya susuko. Strong-willed ang lola niyo!

"Sorry I don't like you." That's what her crush said to her when she finally confessed. Ouchie daw. It hurts in her meow meow.

"Lalo na't ang pangit mo. You're not my type, nerd." Kim Chaewon, her crush, said straightforwardly. She finally exited herself, leaving the nerdy girl alone.

Pinagtitinginan at pinagtatawanan na siya ng mga taong nakakita sa nangyari. Kilala kasi siya sa school bilang isang ubod nang pangit na nerd sa school nila.

Yung typical nerds na nababasa mo sa mga wattpad stories? Oo ganun siya. Laging apple of the eye ng mga bully. Laging kawawa.

Pero hindi siya tulad sa mga stereotypical nerds na sa bandang huli mayaman pala. Hindi siya ganun kasi mahirap lang siya tapos 'pangit' pa. At nakuha niya pa talagang lumandi ha?

Kaya ito siya ngayon pinagtutulungan ng mga bully sa bandang likod ng school nila.

"Tangina ka, napakafeeler mo naman? Ganda ka?" Sabi ng isang babae at sinipa ang bida nating malandi sa tiyan. Napasigaw naman siya sa sakit.

"Ew you're so mabaho like a garbage!" The other said. "You think Kim Chaewon, the campus princess will make pansin to you? Dream on nerdy!"

The nerd can't help but yelp in pain. Tears fell from her eyes. But she didn't talk back. Sanay na siya sa ganito. They're doing this for years now.

Sino ba naman kasi ang papansin sa kaniya? Pangit siya. May braces. Kulot ang buhok. Mukhang nerd (well itsurang nerd talaga siya). Pangit na fashion sense. May pimples. Walang social skills. Mahiyain. At hindi funny. Ang tanging maipagyayabang niya lang ay ang utak niya. Dun lang siya nakakabawi eh. Sa pagiging matalino.

"Yuck. Porket pinansin ka niya kahapon dahil tinulungan ka niya akala mo may gusto na siya sayo? Kapal naman ng apog mo!" Sigaw naman ng isa and they continued to beat her up.

The nerd wanted to shout at them. Tell them to stop. Gusto niya magalit. But she can't.

Sino ba naman kasi siya dito sa paaralang punong puno ng mga mayayaman, magaganda, at mga sikat?

Siya lang naman ang laughing stock ng karamihan. Literally almost everyone pulled a prank on her.

Buong buhay niya sinabihan siyang pangit ng ibang tao. Maliban sa parents niya. Pero wala eh, nasa langit na.

"I-" she wanted to speak. But she really can't.

"What the hell is this!?" A voice was heard from the back. The three bullies quickly turned their heads towards the person who just spoke.

But their faces immediately softened after finding out who that person is.

"M-miss Kim Minjoo ano pong-"

"You three. I want all of you to disappear. Don't show your faces to me ever again! Now get lost!" The girl named Kim Minjoo roared. Agad namang umalis ang tatlo habang nakayuko.

Minjoo slowly walked closer to the nerd. Her face displaying worry. "Oh my god are you okay?" She reached the nerd's face but she just shoved Minjoo's hand away.

"I-I'm fine po." Sagot ng babae. Dahan dahan siyang tumayo at nagkukunwaring wala lang lahat ng pasa at sugat na natamo niya. "Wag mo na po akong alalahanin." She took a step but then her body felt heavy. Masyado siyang nasaktan sa pambubugbog na ginawa sa kaniya bago lang.

"No you aren't. Let me help you." Minjoo insisted. The nerd stared at the other girl for a moment. Contemplating whether to trust her or not. Lalo na't isa si Kim Minjoo sa mga pinakasikat sa school nila. Mayaman pa. Mga taong dapat iwasan.

"I can treat myself po." Pagmamatigas niya.

"Please? Hayaan mo akong tulungan ka." Pagpupumilit ni Minjoo ulit.

And here they are, currently at the clinic. A pretty woman treating the nerd's bruises and wounds.

"Th-thank you po miss Kim." Sabi ng nerd. Not gonna lie, akala niya isa si Minjoo sa mga bully sa school. Pero nagkamali siya. Isa pala itong mabait na tao.

"Just call me Minjoo from now on."

"Pero-"

"No buts. I want to be your friend kasi eh."

"Bakit po?"

"Wala lang. You don't deserve to be treated like this. Those people are trash that's for sure." Minjoo said with a pout. The nerd admits, she's really cute.

"So what's your name?" Minjoo asked. But the moment when the nerd opened her mouth suddenly a phone rang. The older girl hastily took out her phone and answered the call.

"Yes. Nasa clinic, why? Now? Okay I'm coming. Bye." After the call ended, Minjoo rose from her seat. "Miss I'm so sorry I need to go now. See you around! Byeee!" And she dashed off, leaving another girl at the clinic.

Silence enveloped the whole room. The nerd can't process everything. So she just cried.

Cried and cried and cried.

Absent ang best friend niya kay walang magko-comfort sa kaniya ngayon.

Naglalakad siyang umiiyak sa daan. Wala na siyang pake kung magmukha siyang baliw. Basta gusto niya ilabas lahat.

"Wala bang tatanggap sakin bilang ako jan? Sure na? Final na ba yan?" Pinahid niya ang mga luhang umaagos sa mga mata niya. "Sawang sawa na ako sa mukha ng best friend ko pero bat wala siya kung kelan kelangan na kelangan ko siya Lord?"

Wala na nga siyang jowa, wala pa ang best friend niya.

She only heaved a sigh. Itatae niya nalang daw lahat ng frustrations niya.

Pumasok na siya sa boarding house niya nang lutang. Lalo niya tuloy miss best friend niya.

An hour later, she broke down again. Bahala na muna assignments niya. Kaya niya namang sagutan lahat within an hour kaya magdadrama muna siya sa buhay.

Siya nga pala si Jang Wonyoung. Ang genius nerd ng Produce High.

master | annyeongz [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon