fwb.SU.4

13.3K 105 28
                                    

FWB. SU. 4

THINKING OUT LOUD

Darling I will be loving you 'til we're 70
And baby my heart could still fall as hard at 23
-Mario


Mario’s POV

Dalawampu’t dalawang taon na ang nakakalipas, pero magpahanggang ngayon ay di parin nawawala ang pag-ibig ko sa kanya. Siguro matatawag mo na akong dakilang tanga! Gago! Inutil! At kung ano pa. siguro ganun lang talaga kapag mahal mo ang isang tao. You’re willing to wait at hanggang ngayon ay nag-aantay parin ako. At kahit lumipas pang muli ang 20 years muli akong mag-aantay hanggang sa ako naman ang mahalin niya.

 

“Pare nakita ko siya,” tinawagan ko ang kaibigan kong si Terrence. Noong dumating ako sa condo. Kaagad kong ibinaba ang mga pinamili ko sa kusina saka nga kaagad pumasok sa isip kong tawagan si Terrence at mabuti’t sinagot niya kaagad itong tawag ko.

            “Sino?” pagtatakang tono ng boses nito.

            “Si Kath,” sagot ko na may ngiti sa aking mga labi.

            “Kath? Hmm yung babaeng nang-iwan sa iyo? Yung babaeng magpahanggang ngayon ay inaantay mo?”

            “Oo yung babaeng ipaglalaban ko na ngayon,” paglalahad ko pasa kanya.

            “Gago! For sure may sariling pamilya na rin yun ngayon,”

            “So?”

            “So mo mukha mo! Makakasira ka lang sa pamilya niya,”

            “We have deal right?” ipinapaalala ko yung pinag-usapan namin noong nakaraan buwan.

            “Seriously? Gagawin mo yun?”

            “Yes!” sagot ko sa kanya. I was talking about the bet, na ginawa namin. Sabi kasi niya kapag isa sa mga Ex ko ang naging Girlfriend ko ulit, akin na yung bago niyang kotseng kabibili lang nito noong nakaraang buwan din. Same with me, yung kabibili ko lang din na unit sa forbes na condo ay mapapasakanya din. Pero hindi lang dapat yung simpleng Ex raw. Dapat yung taong nanakit sa amin. Alam ko at alam nila ang kwento naming dalawa ni Kath.

            “Ano?” inaantay ko ang kumpirmasyon niya.

            “Sigurado ka talaga dito? Pre baka naman…”

            “Masaktan? Sanay na ako, ilang beses na ba niyang sinaktan ang damdamin ko? Baka this time hindi na!”

            “Hindi na? wala ka paring kasiguraduhan,” pag-aalala pa niya sa akin.

            “Para kang bading! Kaya ko ito! Deal or No Deal!”

            “Tsk! Bahala ka sa buhay mo,” sagot niya saka niya binaba ang tawag ko. So it means, Yes! Nakangiti akong bumalik sa kusina at nagluto ng uulamin ko ng hapunan na iyon.

            Kamusta na kaya si Kath? Nagkatuluyan kaya sila ni Daniel? May anak na kaya sila? Maari.  22 years? Marami ang posibleng mangyari, pero sana… hanggang sa pumasok sa isip ko yung huli niyang sinabe.

            “Duh! FYI my son is a Policeman.” Hanggang ngayon wala parin kupas ang papretend niya na mag-english kahit na sobrang barok siya. Nakakatuwa parin siya.

. . . . .

Kath’s POV

            Nakakainis. Bakit ba kasi di niya ako maalala?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friends with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon