FWB 9: KEEP YOUR HEAD UP

53.1K 240 1
                                    

Friends With Benefits

Written By: Mervin Canta

FWB 9: KEEP YOUR HEAD UP

“But you gotta keep your head up, and you can let head down “

-kath

Ako at si Daniel sa loob ng kotse nito

Tahimik si Daniel ng mga oras na iyon

“oh??? Mukha atang may problema ka ah?”

Tanong ko sa kanya sabay pingot sa tenga nya

“wala ako sa mood makipag-kulitan  sa iyo ngayon Kath”

Sabi nya na parang halatang badtrip talaga sya ng oras na iyon

Sabay binatukan ko sya

“eh gago ka rin pala eh…pinapunta mo pa ako dito? Pinapasok sa loob ng kotse mo tapos sasabihin mo, wala ka sa mood makipagkulitan sa akin? Nakadrugs ka ba? Uuwi nalang ako!”

Sabi k okay Daniel sabay aktong binuksan ko ang pintuan ng kotse nya na nakasimangot

Sabay nagsalita sya…

“may pamasahe ka ba?”

Tanong pa nya sa akin na parang gago na nakangiti na ulit

“aba ang kapal din naman ng pagmumukha ng lalaking ito? Anong tingin mo sa akin? Mahirap? Hoy! Boy negro! Kung hindi mo nalalaman, ako ang nawawalang, kamag-anak ni Zobel De Ayala hmmpppf”

Sabay tumawa ito ng malakas sa loob ng kotse na para bang nang-aasar na tawa

Ang lakas lakas

“hahhahhaha para kang gago…pumasok ka nga dito….”

“ayoko!”

(tampo ko)

Sabay hinila nya ang kamay ko at pinilit akong pumasok sa loob ng kotse

“arayyyyyyyyy nasasaktan ako”

“arte???? Sayang aircon, mahal ang aircon no?”

“saan ba kasi tayo pupunta?”

“basta sumama ka lang sa akin!”

Sabi pa ni Daniel sa akin at hinarurot ng bonggang bongga ang kotse nito na para bang sasali sa isang car racing contest

“wait lang danielllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllll, gusto ko pang mabuhay”

Sabi ko na sobra ang pagkakapit sa aking kinauupuan

…………………………………..

“so anong problema? Bakit tahimik ka?”

Tanong ko ulit sa kanya pagkatapos huminto ang kotse sa isang Quezon City Circle

Friends with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon