FWB 54: DON'T SAY GOODBYE

16.1K 109 12
                                    

Friends With Benefits

Written By: Mervin Canta

FWB 54: DON’T SAY GOODBYE

“Don’t Say Goodbye, It’s hard to let you go, and tomorrow seems so far away for me to know, if you and I will always be in love forevermore, don’t leave me with just memories all alone”

-Kathryn Bernardo.

…………………………

 DANIEL POV

Patay na ba ako?  Bakit parang nakikita ko ang lahat ng tao? Bakit nakikita ko sila? Parang my wide vision ako? At nakikita ko sila ng malinaw at detalyado, may isang babaeng umiiyak sa harapan ng isang salamin, kinakausap ang sarili nito,

 “wag mo akong iwan Daniel, please lumaban ka……” sigaw pa ng isang babae sa labas ng isang kwarto,  lumapit ako sa babae at gusto ko syang hawakan, pero biglang tumagos lang ang katawan ko sa kanya nakapasok ako sa kwartong iyon.

Doon nakita ko ang mga busing busy na mga doctor na inaasikaso nila ang isang pasyente nila, duguan ang pasyente at maraming galos at sugat ang natamo nito halata naman eh, pero noong mas lumapit ako para Makita ito.

Nanlaki ang mga mata ko, shit! Ako ba ito?

“Push, Akin na yun….. bilisan mo baka mamatay ang pasyenteeee”

Sigaw pa ng doctor habang minamadali ang isang nurse para kunin ang isang gamit para bigyan lunas ang sugat ko.

Biglang naguluhan ang isip ko. 

……………………..

Flash Back

Noong araw na nakipag-hiwalay sa akin si birthday noon ni Julie, ang bestfriend kong kalog na walang ginawa kundi asarin ako at kotongan ako noong college days pa namin.

“birthday ko ngayon loko? Hindi ka ba pupunta? O baka gusto mo pang kotongan kita?”

Wala paring pinagbago si Julie hanggang ngayon bully parin sya tsk.

Then I replied

“I will come :’) “

Tapos hindi na sya nagreply.

From Makati to Taguig hindi naman masyadong mahirap hanapin ang dati nilang bahay kahit sobrang matagal na noong huling bumisita ako ulit sa kanila.

Friends with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon