FWB 53: PINILIT KONG LIMUTIN KA

15K 96 4
                                    

Friends With Benefits

Written By: Mervin Canta

 

FWB 53: PINILIT KONG LIMUTIN KA

“Pinilit kong Limutin ka, Bat di ko magawang umibig sa iba?, ba’t laging ikaw at ako? Sigaw ng puso ko, sayo’y umaasa pa, pinilit kong limutin ka”

-Kathryn Bernardo

………………………

KATH’S POV

Malakas ang pagkakasampal ko sa mukha ni Julia, parang ang lahat ng mga galit ko ay biglang nawala noong dumampi ang kamay ko sa makinis nyang mukha.

“hanggang kelan mo sasaktan si Daniel? Hanggang kelan mo gagawing miserable ang buhay nya? Alam mo ba na ikaw? Ikaw ang dahilan kung bakit hindi sya pwedeng magmahal ng iba? Bakit? Ano bang meron ka na wala ang iba? Na wala ako? Ah? Bakit ikaw…ikaw…parin ang minamahal nya? Kahit putang ina, nasasaktan na sya?”

Hindi ko na talaga kinaya at nasabi ko na ang nasa loobin ko at hinanakit ko kay Daniel at kay Julia.

Oo kahit 5 taon na magkasama kaming dalawa ni Daniel ay hindi ko paring masabi sa kanya ang tunay na nararamdaman ko bakit nga ba? Eh kung hanggang ngayon ang nasa isip at puso nya ay isang babaeng hindi naman sya pinapahalagahan, minamahal at binibigyang pansin?

Minsan nga gusto ko syang kaltukan ng magising sya sa katangahan nya pero hindi ko na kasi nagawa, kasi bigla nalang syang nawala.

Lumapit ako sa ICU nakikita kong may mga tinatahi at may mga tinatanggal silang mga bagay na dumikit sa kanyang katawan at mukha, at sa tingin ko yun ay ang mga basag na salamin ng kotse ni Julia.

Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan ni Daniel, hindi ko maiwasang maiyak habang naghihirap itong sa kanyang kalagayan.

Pumunta ako sa Mini chapel ng Hospital,

Lumuhod ako sa harapan ng maliit na chapel na iyon, at humingi ng lakas at kapatawaran sa mga kasalanan aking nagawa, at para narin humingi ng himala na sana ay gumaling at tuluyan na syang gumaling.

“Lord, ilang beses ko ng hiniling sa inyo na ok lang ako, ok lang kahit na nahihirapan ako, basta hindi ko makikitang nahihirapan si Daniel, pero bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan, Lord, naguguluhan ako, mahal na mahal ko parin si Daniel, nasasaktan ako sat wing nakikita ko syang umiiyak, nasasaktan ako sa twing malungkot sya, nasasaktan ako Dyos ko”

Biglang pumasok sa isip ko si Erick, sobrang unfair naman ito sa part ni Erick na syang nagbigay halos kalahati na ng kanyang mundo para sa akin, pero anong magagawa ko?

Friends with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon