FWB 40: PANIWALAAN MO

16.3K 86 1
                                    

Friends With Benefits

Written By: Mervin Canta

FWB 40: PANIWALAAN MO

 

“Pag-ibig ko sa iyo totoo, ni walang halong biro, kaya sana’y paniwalaan mo, ang pag-ibig kong ito”

-Daniel Padilla

KATHRYN POV

“nakakainis talaga syaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa”

Inis na inis ako sa lalaking iyon wag na wag lang sana sya makasama ko sa trabaho kundi, haist magreresign na kaagad ako.

Pumasok ulit ako sa loob ng recruitment room para malaman ang resulta ng aking pag-aaply bilang receptionist ng kanilang kumpanya

Masaya akong pumasok sa loob

Pero….malungkot ang mukha ng babaeng lumapit sa akin at kumausap

“sorry to say ms. Bernado, pero hindi mo kasi na meet yung standard na kelangan namin sa receptionist, may nakuha na kami at sya ang napili ng boss namin”

Malungkot pa na sabi nito

Nalungkot ako syempe pero ok na rin siguro hindi ko na lang talaga peg ang magtrabaho sa mga ganitong kumpanya pambahay nalang siguro talaga ako mag-aalaga sa anak ko o kaya magtitinda nalanga ako para lang mabuhay ko si lucho.

Kung di lang kasi kay Erick eh hindi ako papayag

Lumabas na ako ng recruitment room pero may tumawag sa akin

“miss…misss”

Sigaw pa nito

Lumingon ako, yung babaeng nagbigay sa akin ng malungkot na mensahe na hindi ako makakasap ang tumawag sa aking pangalan

“hmmmm what if mag-apply ka as personal assistant kasi may oppening sa 5th floor may bago kasi kaming boss eh kelangan nya ng bagong staff, kahit isang assistang lang daw ano? Ok lang ba sa iyo?”

Sabi pa ng babae na nakangiti na sakin

Thankful ako kasi may mga tao pang mababait sa mundo at sobrang thankful ako kay lord kasi binigyan nya kaagad ako ng chance….agad agad diba? Ang lakas ko talaga sa kanya

Umakyat ako sa 5th floor gamit ang elevator

Friends with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon