FWB 30: IPAGPATAWAD MO

19.1K 117 5
                                    

Friends With Benefits

Written By: Mervin Canta

FWB 30: IPAGPATAWAD MO

“Ipagpatawad mo, aking kapangahasan, binibini ko, sanay maintindihan, alam kong kailan lang tayo nagkatagpo, ngunit para lang sa iyo ayaw ng lumayo, ipagpatawad minahal kita agad”

-Daniel

Magdadalawang taon na si Lucho

Bukas ang kanyang ikalawang taong kaarawan

“anong plano mo? Bukas na ang birthday ni lucho?”

Tanong ko kay Daniel habang bitbit nya si lucho

“ahm…tanungin natin sya? Anong gusto mong motif ng birthday mo baby?”

Tanong pa ni Daniel sa anak nya

pero umiling lang ang bata wala kasi sa mood ng mga oras na iyon sarap pektusan

“costume party nalang kaya?”

Suggestion pa ni Daniel

“hmmm pwede rin pero magastos eh”

Sagot ko naman

“ok lang yang gastos, I’ll do everything and anything just for my baby!”

Then he kiss lucho’s chick

Yun naman ang gusto k okay Daniel

When It comes to our baby

Lahat ay nagiging possible

Sobrang spoiled nga ang batang iyon sa daddy nya eh

“ano? Ok na ba sa iyo yun?”

Tanong nya ulit sa akin

“bahala ka…kahit ano para kay baby lucho”

Sabi ko naman

………………………………………

“Costume party Drei ang motif ng birthday party ng anak ko? Ano makakapunta ka ba?”

Tanong pa ni Daniel sa bestfriend nyang si Erick

Friends with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon