Chapter 17: Provoke

11 1 0
                                    

"What? Bakit ka nagkaro'n ng 70 hours of detention? Hindi naman ata makatarungan yan." Sabi ni Carly at nandito siya sa kama ko nakaupo habang nakahiga ako ng pabaligtad dahil sa frustrations ko sa buhay. "Can I be honest? Akala ko talaga pupuriin ako ng mga tao sa pagpapaka-bayani ko. Hindi pa pala, bwisit!" Rant ko sa kanya at ni-rub naman niya ang likod ko habang nasa ilalim ng unan yung ulo ko. Ang feeler ko talaga. Akala mo naman nasa'kin ang pabor kapag may pinaglalaban. Ako pala ang kalaban.

"Well I am expecting that too. You were cool that day though." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Carly because that is easy for her to say. Tinutuloy pa rin niya ang paghimas sa likod ko. "Do you wanna grab something to eat to make you feel better?"

Napatigil naman ako sa sinabi niya pero parang gusto ko munang mapagisa, "Okay lang ako Carly. Gabi na rin. Umuwi ka na." Sabi ko sa kanya. Since gusto ko na lang magpahinga ay hindi ko na siya pinansin pa at narinig ko na lang ang pintong sumara.

"Hey, bakit ka nandito?" Nanliit naman ang mata ko sa ilalim ng unan. Si Kyle yun ah? Oo nga pala dito nga pala nakatira si Kyle sa bording house na 'to. "Aalis na ako. I just wanted to comfort Relinne." Narinig kong sagot ni Carly at naramdaman kong parang umubog konti ang kama ko. Takte dito pa ata makikipaglandian si Carly sa kama ko.

Bumangon naman ako at tama nga ang nakita ko. Si Kyle nakaupo sa kama ko na dikit na dikit pa kay Carly. So okay pala 'tong mga bruha na 'to?

Inangasan naman ako ni Kyle. Binati niya ako sa pagtaas niya ng noo. Sinenyasan ko naman silang dalawa dahil ayun nga, invasion of privacy. Tapatayo naman silang dalawa. "By the way, since Friday night naman, gusto niyo bang mag-movie night?" Aya ni Kyle at nagkatinginan kami ni Carly. Gusto ko sana pero bigla namang sumagot ang loka.

"Ah, hindi kasi bibili kami ni Relinne ng...snacks oo. Ayun yeah bibili kami snacks kasi malungkot siya. Tara Relinne." Kinunutan naman niya ako at napatingin ako kay Kyle. Alam niyang nagsisinungaling si Carly. Dahil wala ako sa mood sa mga ganitong pakulo ni Carly ay nag-decide akong mag-opposite road. Hindi ko na siya sasakyan. "Hindi okay lang ako Carly--girl! Oo okay lang ako. Umuwi ka na. Gabi na rin e."

Napansin kong tinaasan ako ni kilay ni Carly at nirolyohan ako ng mata. First time yun ah? Binigyan niya ako ng attitude! "Fine. Uuwi na lang ako--"

"Ihahatid na kita," offer ni Kyle pero nag-walk out na lang bigla si Carly. Oh no. Ano ba yan, si Carly na nga lang ang maganda sa buhay ko ngayon e. Pati ba naman siya lumaho na rin na parang bula. Ayun nga talaga siguro ang superpower ko--eliminating the beauties in my life.

Nang nag-walk out na si Carly ay bigla ko pang pinakuba ang posture ko at huminga ng malalim sa disappointment. I hate my life. Si Kyle na nakatayo, ngayon ay nasa tabi ko na. "May problema ka ba?"

Tanong sa'kin ni Kyle na bigla ko naman siyang kinunutan ng noo. Yung mga ganitong lalaki pala na may itsura ay pinapansin ako? "Ako ba? Bakit hindi mo sinundan si Carly sa labas?"

Huminga naman siya ng malalim at yumuko. Sinandal niya ang siko niya sa tuhod at nagholding hands kami--joke lang siyempre. Yung dalawang kamay niya pinagsama niya dahil din siguro sa frustrations.

"Gusto mo ng kape?" Random na tanong niya at napa-oo na lang ako. Anong oras na tapos gusto pa magkape nitong lalaking 'to?

Bumaba naman kami papuntang kusina at pinaupo na lang niya ako sa dining table namin. Dahil first time ko siyang makakausap ay naisip kong kakapalan ko na ang mukha ko. Hindi ko naman kasi talaga siya kilala. Nung isang beses lang na nakita ko siya dito sa bording house nagulat na lang ako kasi dito pala siya nakatira. Sila pala may-ari ng tinitirhan ko ngayon. Babae lang mga borders dito tapos siya lang 'tong lalaki dito.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 01, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora