Chapter 11: Talking Sense

32 2 0
                                    

"Just for the record, you are not worth fighting for. Nasayang yung pasa ko. Pinaglaban ko pa man din yung itsura natin. Nasa ganda pa rin pala ang habol mo. The deceiving beauty. The unpleasant beauty."

Bakit ganito ka-rude ang lalaking ito? Nagawa pa niyang manumbat sa akin at pinapamukha niyang pinaglalaban niya ako kahit sa likuran ko. Hindi ko kailangan ang pagdedepensa niya sa anyong katulad namin. "Just like your deceiving sprinkles. The deceiving beauty. The unpleasant beauty." Sagot ko sa kanya and I realized I sounded childish, at hindi ako makapaniwalang natututo ako ng English sa kanya. Besides, nasaktan naman talaga ang ego ko noong pinili niyang magpakasasa sa ice cream over sa chivalry na dapat ay itinricycle ko no'n. 

Parehas na kaming nagwalk out sa magkabilang dulo at ilang linggo rin ang lumipas sa hindi naming pagpapansinan. I usually hang out with Carly now at kasama ang kaibigan nitong si Emily at Andrew ngunit kapag kasama niya ang dalawa ay madalang akong sumali dahil may mundong ginagalawan ang grupo nilang tatlo at iba ang grupo kapag kaming dalawa lang ni Carly. Lalo na't yung Emily pa ay madugong mag-English--no sila pala. Nakakahawa rin naman.

While kay Rubin naman ay hindi na rin niya ako kinibo simula noong kompruntahin ako ni Ruvie. Ruvie had a precise point, offending nga lang because truth hurts at kasumpa sumpa nga ang mga katulad namin. We deserve to be cursed. Bullshit it is.

---

"Dalawang araw na lang talaga at gaganapin na ang pageant. Hindi naman kasi made-delay kung hindi dahil sa Relinne na 'yon sa pagsira niya ng mga dress." Rinig kong chismis ng isang babae sa hallway at alam kong kasali rin ito sa pageant. Namukaan ko siya at isa siya sa nagshowcase ng walk noong rehearsal ng event. Well again, Ruvie is right. I can't believe I am fvcking guilty.

"Okay na ba ang susuotin mo? Siguradong mas maganda kaysa sa nasira ko." Sabi ko kay Carly at tumawa naman siya sa pagpuri ko sa kanya. "Oh please. It's not your fault. Aksidente ang nangyari at ano ka ba, sasali ka kaya."

Pagpupumilit na naman ni Carly at binigay ko ang tinatamad kong reaksyon sa kanya dahil it's been days na talagang pinipilit niya ako na sumali sa pageant dahil may mga nag-backout at pinapabago niya talaga ang decision ko, thinking na pati ang pagtingin ng mga tao sa akin ay mababago rin. Walang magbabago kapag walang kagandahan.

"I mean look at me. Justice to the pageant please. Wala na akong mukhang ihaharap, lalo na't sa manager." The truth is, wala na yung confident resource person ko--which is Rubin. Hindi niya na ako kinakausap. Inulanan na rin siguro si Ruvie ng moment of truth confessions. Well, that's Ruvie's power and I bet na gano'n na nga mismo ang nangyari. Na-brainwash na niya ang kapatid niya. Hindi nga lang talaga maalis si Rubin sa isipan ko. Hay, ang magkapatid talagang iyon.

"I don't have the look--"

"But you have the insights. They might not look at your physical but they will see what's inside of you."

Pambawi niya sa akin nang bumuntong hininga na lamang ako. Bakit kaya ang lakas ng loob mag-encourage ng mga magaganda sa pangit nilang kaibigan? Hindi kasi nila nararanasan kung ano ang pinagdadatingan ko--naming hindi naman kagandahan.

Habang kausap ko si Carly ay nakita ko naman si Rubin na dumaan sa table namin. Gusto ko man siyang tawagin ngunit magmumukha akong ita-table ko siya, well at least that's what I thought to my wild side. Pati ako ay napapa-English na rin. Maganda rin pala ang sumasama sa katulad ni Carly.

"By the way, bakit hindi na kayo magkasama ni Rubin?"

Napansin ko namang napatigil ang lalaking pinaguusapan namin ni Carly dahil narinig niya ang tanong na 'yon. "Ah, LQ."

Biro ko sa seryoso kong tono habang binaon ko ang tingin ko sa nakatalikod na si Rubin. Gusto ko siyang kausapin ngunit siya na mismo ang dume-dedma sa akin. Bwisit na Ruvie na 'yon. Bakit ba kay Ruvie ko ibinubuntong ang galit ko ngunit klaro naman niyang pina-mukha sa akin ang mali ng kuya niya.

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα