Chapter 4: Sabog

57 8 13
                                    

Lumabas ako sa Missing Bites ng luhaan, well not technically but my wallet is. Akala ko ba naman ay makakapag-pasa load ako mamaya sa roommate ko pero ginastos pa ng Ruvie na 'yon para sa Sprinkles na 'yon, para sa isang pirasong papel na 'to?

Dahil wala na akong pang-tricycle ngayon papunta sa boarding house na inuupahan ko, ay naglalakad na lang ako pauwi. Hindi naman kalayuan ito sa Sparluke pero may kalayuan kapag galing ka sa Missing Bites. Medyo bagong bukas lang kasi ito at 10 minutes ang layo sa school kaya naman 30 minutes akong maglalakad ngayon dahil 20 minutes ang layo ng Sparluke sa boarding house kung 5 minutes lang sana kung ita-tricycle. Nakakainis na Sprinkles. Well, pati na rin sa ice cream na 'yon!

Ngayong nadaanan ko na ang Sparluke ay nagpahinga muna ako sa loob. Medyo dumidilim na rin at kailangan ko nang umuwi para makapag-pahinga na. Or i-text si crush?

Habang nakaupo ako sa waiting area ng school ay nakita kong naglakad ang magkakapatid na Armand. Si Aviarro talaga ang pinaka-gwapo sa kanila with his pointed nose and fair skin. Pantay na pantay ang kulay ng balat niya at ang manipis niyang labi ang bumubuhay sa'kin--and again not technically dahil hindi naman ako binibigyan ng pera ng labi niya sa pang-tuition at sa pangkain ko, pero ito ang bumubuhay sa katawa't lupa ko. Bilang zombie, ano kayang lasa ng lips niya? Ang pula pa nito. Naka-ChapStick kasi. Papalya siguro ang kulay niyan kapag dinikitan ko ng laway.

Para maging papansin ako ay "sumakit" na naman ang legs ko para sa kanya, at binangga ko siya ng pa-arte effect ko. "Ay sorry. Uy Aviarro ikaw pala 'yan."

Wait, huwag. Pang-desperada ang approach kahit totoo naman.

"Aray ko naman! Ay Aviarro okay lang talaga. I can manage."

Sinaktan ng todo ate? Ang galing mo!

"I mean, hi? Ang sakit ng legs ko at pasensiya ka na kung nabangga kita?"

Sabi ko nang natataranta. Pwedeng pwede na 'to. Pang-Maria Clara, with patanong kung pa'no mo 'ko iibigin, este pa'no ka sasagot sa'kin...I mean yung o-OO ako na sinasagot na kita. Hindi, yung kung pa'no ka sasagot sa pag-iinarte ko ayon.

"Oo. Sorry kung nabangga kita. Aviarro Ikaw pala 'yan."

Sunod ko nang sabi nang napatingin na lang ako sa legs ko dahil ayaw kong makita niya ang haggard kong pagmu-mukha. "Okay lang."

Matipid niyang sagot sa'kin nang hindi man lang niya ako inalalayan. "By the way Aviarro John, nakita mo ba si Rubin?" Tanong ko sa kanya nang nagkibit balikat lang siya at umiling.

"Ah, thank you." Tumango na lamang ako  at pinadaan na ang nagga-gwapuhang Armand Brothers. At ngayon, lalakbay na ako papuntang boarding house. Mamamahinga na ako. Pwede na akong mamatay...sana sa kilig na nagkabungguan kami pero dahil sa kahihiyan.

Halos 30 minutes din ako naglakad dahil sa pagod at gutom ko. Dahil sa pagiinarte ko na masakit ang legs ko ay nagkatotoo na talaga at hindi na ako makagalaw, kaya naman tumawag na ako ng tricycle at bahala na si...eenny? Meenie? Miney? Mo? Si Batman? Si Bathala na lang.

Pagkarating ko naman sa tapat ng boarding house namin ay pinahintay ko muna ang tricycle driver para sa bayad. Kukunin ko na lang iyon sa bayad ko sa renta at hindi na ako kakain. Pagkababa ko ng tricycle ay bumungad sa akin ang mukha ni Kyle. Nanlaki ang mata ko at palabas ito sa gate ng boarding house na ito. Naglagay ba siya ng mouse trap sa kwarto ko dahil sinabihan ko siya na ang cheesy ng line niya tungkol sa pagdapa? Mukha na ba akong daga sa lagay na iyon?

Umakyat naman ako sa kwarto ko para bawasan ang upa ko at kumuha ng singkwenta. Pagkabukas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang aking roommate na si Shannon. Librarian siya ng Sparluke at sobrang convenient din sa kanya na dito mangupahan kaya naman ano pa ang masasabi ko? Upa na.

Dahil medyo masakit na ang legs ko ay nakiusap na lang ako kay Shannon na bayaran muna ang tricycle sa baba at pumayag naman siya. Humiga naman ako sa kama para mamahinga na at bigla na lang sumagi ang pagsalubong ko kay Kyle sa baba. Napaisip ako do'n kaya naman tiningnan ko ang paligid kung sisigaw ba ako dahil sa mouse trap na nilagay niya rito sa kwarto ko at matatapakan ko na lang 'yon kung saan hindi ko makikita?

Pero ano kayang ginagawa no'n dito?

Mamaya maya lang ay dumating na si Shannon sa kwarto at umupo siya sa kama habang nagsusuklay. "50 ang utang mo sa'kin Relinne ha?"

"Anong fifty ka diyan. 25 lang kaya binabayad ko."

"Singkwenta raw. Pasensiya ka na. Eh kung ikaw na sana ang nagbayad edi sana natawaran mo pa si kuya."

"Hoy mahal ako pero mura ang serbisyo--" Nalagyan ko naman ng malisiya iyon at tumawa na lang bigla si Shannon. At dahil do'n ay tumama na naman sa isipan ko ang term na 'sex' na binanggit ng dalawang magkapatid na iyon. Hindi ko na kaya ang mga maduduming salita na 'yan. "I mean I am precious at hindi iyon related sa services na ginagawa ko dahil estudyante lang ako. Yung tricycle driver kasi mura lang maningil sa'kin 'yon e dahil 'diba kapag maganda ay almost libre? Kaya 25 lang sa akin."

"E bakit ako minsan 15 lang sinisingil sa akin?"

At ito na naman tayo. Basehan na naman sa pisikal na kagandahan. Dahil nainis na ako sa mga term na ganyan ay napagpasiyahan ko na lang i-text si Rubin para sa proposal niya.

Rubin, ano ba 'yong pinagsasasabi mo kanina? Akala mo naman gaganda ako kapag dinate ko 'yang Ruvie na 'yan na kasing 'Salvaje' mo.

Pinindot ko naman ang send button sa pangalan ni Rubin ngunit hindi ito nakarating. Nakalimutan kong kailangan ko pa lang magpa-pasa load at wala na 'yong limang piso ko nang dahil sa Sprinkles na 'yon.

"Shannon, pa-pasa naman ako ng limang pisong load sa akin. Please?" Utos ko sa kanya at binato lang niya ang cellphone niya sa akin. At dahil mabuti akong kaibigan at Honesto ako ay sampung piso ang sinend ko. Pagka-receive ko ng load ay sinend ko na agad kay Rubin ang text message at lumipas ng ilang minuto ay nagreply agad ito.

Say no more. Magpapa-rebond tayo tomorrow.

Ang sabog talaga nitong Rubin na ito. Kailan pa siya naging kulot?

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Where stories live. Discover now