Chapter 12: Sapilitan

37 2 1
                                    

"I told you, hindi naman talaga magandang idea 'yang natural beauty pageant na 'yan dahil admit it, ang kagandahan para sa lahat ay 'yong may mga make up sa mukha at sexy ang suot. All they care is the perfection of us. Hindi sila interesado sa panget na bahagi sa atin." Kahit na panget ang kabuuan ko ay sinasabi ko 'to sa isang magandang dalaga na katulad niya. Ngayong palabas kami ng auditorium ay bugnot na bugnot siya sa nangyari. Kahit ako ay gusto kong magalit sa manager ngunit parang binabawi ko na ang insights ko regarding sa pageant na 'yan. Pahamak talaga ang opinion ko e.

"No Relinne. All they want is the fake beauty. The beauty covers the natural on us." She stated and I have to agree with it. Hindi ko alam kung bakit nakakahawa talaga ang pakikipagsosyalan sa kanya pero ang alam ko lang ay nakukuha ko na.

"You're not the one to blame, by the way. These people were into the stereotypes and they are idiots!"

"So si Kyle din pala kasi gusto niya ang magandang ikaw?" Biro ko sa kanya at nanlisik bigla ang mata niya. "Isa pa 'yon. Mag-isa siya!"

"Alam mo, nababadtrip ako. Can we grab something refreshing?" Pinunasan niya yung noo niya na palad lang ang gamit at ang muling naisip ko ay yung ice cream shop kung saan naloko ako ng Ruvie na iyon. "I know a place." Nauutal kong sabi dahil hindi ko alam kung ililibre niya ba ako o magpapalibre ako.

Nang nakarating naman kami ay bumungad sa akin ang mala-Hipster na menu ng Missing Bites at malaya kong tinapat ang cellphone ko sa harapan para may pang-Instagram ako.

"Pili ka na, Relinne. My treat." Hindi ko alam pero kumabog ang dibdib ko sa narinig ko. Mas nakaka-akit yung sinabi niya kaysa sa I love you.

In love na ako sa pagkain. Sa libre. Sa pagtrato sa'kin ng libre. Walang trip. Walang halong pambuburaot.

"I'm just be having the Matcha Green Tea ice cream with sprinkles." Mariin kong sabi na may halong inis na tono nang natawa naman si Carly. "Chill girl."

Simple naman akong ngumiti. "I want a Thai tea ice cream."

Nakita ko namang napatitig ang lalaking cashier kay Carly at ikinunot ko naman iyon sa pagtataka. Bukod sa hamak na maganda talaga ang English ni Carly na sobrang simple lang, ay may class talaga--hindi tulad ko, halatang pilit.

Umupo naman kami sa vacant table ng ice cream shop na 'to. The way she waved her hair before sitting. Ang ganda talaga. Mukha man akong tanga pero nung sinilipan ko siya sa pagkakaupo niya sa ilalim ng lamesa, nakita kong pa-slant ang kanyang legs at magkadikit ito.

"Relinne ano ba 'yang ginagawa mo."

"Ha--ouch!" Nang inangat ko ang ulo ko ay nauntog ako sa ilalim ng lamesa at narinig ko ang tawa ni Carly. Palakas nang palakas ang tawa niya dahil umikot siya para alalayan ako sa pagkauntog ko. "What were you thinking? Ikaw talaga."

Nang umikot na ulit siya sa kanyang upuan ay tinitigan ko siya ng masinsinan. Lumabas naman ang dimples niya at ang manipis niyang labi sa pagngiti. No wonder kaya nagkagusto si Aviarro dito, or siguro inutos lang ni Rubin 'yon. 'Di mo rin masabi.

"Uy Relinne ano ba?"

"Ma'am here's your Thai tea ice cream." Bigay ng lalaking wagas makatitig kay Carly at nanliit ang mata ko dahil nakita ko ang green na ice cream sa may counter, inaasahan na ako pang sarili ang kukuha no'n. Bwisit. "What about hers?" Request ni Carly at napakamot ng ulo si kuya.

"Ah, self-serving po kasi ang toppings dito."

"Okay." Matipid kong sagot pero parang hindi umaayon si Carly.

"No, can you please get it for her? Thank you Diano." Nanlaki naman ang mata ko dahil kilala pala niya ang cashier. Kaya pala gano'n na lang makatingin sa kanya iyon kanina.

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Where stories live. Discover now