Chapter 7: Drama

51 6 5
                                    

"Relinne, I hope these 100 stems of roses can weigh more than the disappointments that I've done from the other day. These are for you."

Isang buong bouquet ng flowers na may dyaryo pang nakabalot ang isinorpresa sa'kin ni Ruvie. Laking gulat ko naman iyon at may note pa ito ng 'I'm sorry'. Is he really? Tinaasan ko siya ng kilay at dahan dahan kong itinanggap ito. Ano'ng nakain nito?

At talagang tinawag na niya ako sa pangalan ko.

"Thank you, Ruvie."

Napanganga ako dahil hindi ko akalain na makakatanggap ako ng ganito, at hindi biro ang bigat niya ah? Gusto ko mang maiyak ngunit wala akong make up sa mukha para lumagpas. Dagdag drama sana 'yon, 'di kagaya ng magaganda sa TV na nakakatanggap ng ganito na lumalagpas ang make up dahil sa kakaiyak. 

Mamaya maya lamang ay lumabas na lang si Rubin at pumalakpak ito dahil sa ginawa ng kapatid niya. Ngumiti naman ako sa kanya ngunit nagduda ako dahil ipinakita niya sa'kin ang mukhang nakakaloko.

"Surprise! Nagustuhan mo ba?" Sarcastic kong sinungitan si Rubin pero pagtapos no'n ay nginitian ko siya. Pakipot akong tumango at itinupi ang labi ko. "Ngayon Relinne, dalhin mo na 'yan sa auditorium at kailangan na 'yan sa pageant."

Napanganga ako sa inis at gusto ko mang bitawan o ibato o kung ano mang masamang pwedeng gawin sa mga bulaklak na ito pero hindi ko kayang bayaran ang lahat ng ito kaya naman paulit ulit ko na lang idinabog ang talampakan ko para ibuhos ang galit ko kay Rubin. Talagang ang galing niyang magpaikot!

Medyo mabigat din ang 100 pieces na Rose stems, kung 100 man 'to.

"Huwag na huwag mo 'kong papabuhatin ng 100 pieces na bulaklak na 'to. Kunin mo na 'to sa'kin." I demanded dahil na rin sa pagkangawit ko. Bwisit na Salbaheng lalaking ito.

"Actually those are 200." At sumabog na ito sa kakatawa, nakita kong gano'n din si Ruvie at mas lalong uminit ang ulo ko kaya naman pinilit kong ipabuhat kay Rubin ang kahibangan niya at tumakbo ako palayo. Sa banyo ako dumiretso para 'di nila ako mahabol. Hindi ko alam pero medyo naiyak ako. Bakit kailangan pang ipamukha sa akin na hindi ko deserve maka-tanggap ng gano'ng klaseng espesyal na bagay? 

Pagkarating ko naman sa banyo ay bumungad sa akin ang nagli-lipstick na si Carly. Dahil sa nakita ko ay pinunasan ko ang mata ko at tiningnan ang salamin kung saan makikita ang natural beauty ng mukha niya. Dahil nga maganda ang nakikita ko ngayon ay bigla na lang akong napangiti. Nakakahawa ang ganda niya.

"Are you crying? Wait, ikaw yung babaeng nadapa 'diba? Are you okay?" Lumapit siya sa'kin at hinimas ang likod ko sa pagaalala. Ayoko naman na kaawaan niya ako kaya naman nag-deny ako sa kalungkutan ko. 

"Ano ka ba, ayos lang ako." Napatingin naman ako sa lips niyang hindi pa tapos ang pagli-lipstick nang napansin ko ang isang long stem na rose sa sink counter at iyon ang napagtuunan ko ng pansin. Para bang takam na takam ako sa rosas at kung pwede lang kainin para gumanda gagawin ko, kaso baka naman constipation ang abutin ko kapag nangyari 'yon. Nadistract naman ako sa pinupusuan ko ng tingin nang nakita kong sumingit ang kamay ni Carly sa rosas at kinuha iyon.

"Here, have a rose..." Nanlaki naman ang mga mata ko at napa-cover naman ako ng bibig gamit ang dalawang kamay ko na para bang korona sa Miss Universe ang binibigay sa'kin. Alam mo Relinne, minsan ang OA mo. 10 pesos lang naman isa 'to sa dangwa.

Napansin kong naghihintay siya ng sagot sa'kin dahil nga pala hindi pa niya ako kilala. Sino nga ba ang gusto akong kilalanin, e hindi naman masyadong interesting ang buhay ko.

"R-relinne nga pala. Yung babaeng nadapa dahil kay Kyle?" Tumawa naman kami ng konti at naghihintay pa rin ang kamay niya na kunin ko yung rose. Binigyan ko naman siya ng ew look. Joke lang, lugi pa ba ako? 

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Where stories live. Discover now