Chapter 5: Ice Cream

56 8 10
                                    

Anong magpapa-rebond ka diyan! 'Di ka naman kulot!

Reply ko sa kanya nang hindi na naman naalis si Kyle sa isipan ko. Hindi ko talaga alam kung bakit siya napadaan dito. Dahil ba sa'kin?

Natataranta ako. Mamaya kasi baka nag-iwan talaga siya ng mouse trap, kaya naman tiningnan ko ang ilalim ng kama kung talagang nilagyan niya. Wala naman akong nakita. Para masagot ko ang katanungang bumabagabag sa akin ay napagpasiyahan ko na lang na magtanong kay Shannon. Mas matagal naman siyang boarder kesa sa akin.

Dahil bunk bed kami at nasa taas ang higaan niya ay inakyat ko siya ro'n at nanlaki naman ang mata ko dahil may katabi itong lalaki. Oh My God. Nakakumot pa silang dalawa.

"Uh, Shannon?"

Pa-simple kong tawag sa kanya ngunit umungol lang ito. Nasa hagdanan pa rin ako at isang bitaw ko lang ay talagang malalaglag na ako. "Shannon ito na yung cellphone mo."

Hindi ito sumagot at nagtaka na ako. Nilusob ko na siya at dinaganan. Napasigaw naman ito at dahil sa gulat naming dalawa ay nalaglag ako paibaba sa sahig. Unan na mahaba lang pala iyon. Tinawanan lang ako. "Grabe Relinne, bakit kasi kailangan pa akong daganan."

Sabi niya nang bumaba siya para tulungan akong nakahiga na sa sahig ngayon. "Shannon, ang sakit. Akala ko ba naman makakalangoy na ako. Hindi nga pala ako sirena, zombie pala ako."

Pagiinarte ko dahil naalala ko na naman kung pa'no ako pinagmukhang zombie ni Rubin. Nakakainis talaga 'yong lalaking 'yon. "Eh hindi naman kasi tubig 'yan. Sahig ate."

Pilosopo niyang sagot at naramdaman kong mas lalo pang sumakit ang legs ko. Kung minamalas ka nga naman, bakit hindi na lang ako swertehin sa pag-ibig. Total sa trahedya naman ako palpak ngayon.

---

Kinaumagahan ay nilagyan ko ng bandage ang legs ko dahil masakit sa paglalakad ko kahapon at sa pagkalaglag ko sa bunk bed. Pero wala nang mas sasakit pa sa ice cream kahapon. Bwisit na mga Salvajes talaga.

Bihis na ako lahat lahat nang nakita kong gano'n din si Shannon. "Pwede ba akong sumabay ngayon sa'yo sa tricycle? Dali na sabi mo naman 15 lang sinisingil sa'yo e."

Pagpupumilit ko at pumayag naman siya. Utang nga lang kasi wala na talaga akong pera. Pagkalabas naman namin ng kwarto ay saktong tumapat sa kinatatayuan namin si Kyle. Dito ba siya nakatira?

"Shannon, nakalimutan ko 'yong saklay? Samahan mo naman ako." Malakas kong sabi nang pababa si Kyle sa hagdanan at nakapambahay pa ito at nakasando. Bagay nga sila ng Carly. Ang sexy pala ni Kyle.

Hinila ko naman papasok ng kwarto si Shannon at tiningnan akong parang timang na 'to kahit mas mukha naman akong tikbalang. "Dito nakatira si Kyle?"

Dali dali kong tanong at tumingin naman sa paligid si Shannon. "Saklay ka diyan. Suklay ata yung gusto mo e."

"Ano ba, alam ko ang saklay sa suklay."

"Hindi kasi halatang alam mo ang suklay."

Sabi naman niya nang hinawakan ko ang buhok ko. Magulo pa nga. Alas sais pa lang kasi ng umaga at masyado pala akong early bird--I mean ako pala yung bulate. Yung catches worm? Para kapag maaga si Aviarro mamaya ay hulihin niya ako. Mas na-realize ko lang tuloy na mas mukha pala akong bulate kesa sirena. Mas malala!

"Huwag mo na akong insultuhin. Tatanong ko dapat sa'yo tungkol kay Kyle kagabi kaso akala ko may lalaki ka sa kama mo." Seryoso kong sabi sa kanya nang tinakpan naman niya ang bibig niya na parang tipikal na ginagawa ko. "Oh My God. Buti na lang hindi mo kami nakita ni Kyle kagabi."

Unpleasant Beauty (Kapintasan #1)Where stories live. Discover now