18

4.6K 132 10
                                    

Napabuga ako ng hangin. Naglalakad ako papunta sa parking lot at pauwi na dahil tapos na ang class ko sa buong araw. This day was really tiring kaya gustong-gusto ko na talagang ibagsak ang katawan ko sa malabot na kama. May pagmamadali sa bawat kilos ko makarating lang agad sa kinaroroonan ng kotse ko.

Papasok na sana ako sa loob ng mapansin ko ang taong prenteng nakasandal sa kabilang sasakyan, halatang may hinihintay.

"Adam?" takang sambit ko.  Base sa mukha niya, kanina pa siya dito dahil sa matinding pagkainip na nakabalatay sa mukha niya. Sino bang hinihintay niya?

Katulad ng dati, neutral pa rin ang ekspresyon niya. Kailan ko kaya makikita ang matagal na ngiti sa mga labi niya? "Where's your car key?" he asked flatly. Kumunot naman ang noo ko. Ano bang problema niya? Para bang pasan-pasan niya ang buong mundo. Tsaka bakit pati susi ng kotse ko tinatanong niya?

Ipinakita ko sa kanya ang hawak ko at sa aking gulat,  hinablot niya 'yon mula sa akin.  Hindi kaagad ako nakapag-react dahil sa bilis ng pangyayari, nakita ko na lang ang sarili na hinila ni Adam papunta sa passenger's seat at siya na ang umupo sa driver's seat. Nakaupo lang siya, nakatingin sa kawalan at hindi binubuhay ang makina ng kotse.

"What's your problem?" I asked calmly matapos ang matagal na nakakabinging katahimikan.

Nakita kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa steering wheel, halos mamuti na nga ang mga kamay niya. "Why?" mariing usal niya na lalong ikinangunot ng noo ko. Ano bang sinasabi niya?

"Why?" ulit ko sa tanong niya.

Rinig na rinig ko ang pagtagis ng mga ngipin at ang malalalim na paghugot niya ng hininga. Hindi siya nagsalita bagkus sumandal siya sa upuan at mariing pumikit. Tinitigan ko lang siya. Para bang hirap na hirap ang kalooban niya sa hindi ko malamang dahilan.  I hate seeing him like this. Ang vulnerable niyang tingnan, hindi ako sanay.

Mas huminahon siya ng muling magmulat, mukhang ikinalama lang niya ang sarili. "Is-Is Jiron.. courting you?" tanong niya kapagdaka. Hindi ko ine-expect na iyon ang sasabihin niya.

Kaya ba siya nagagalit dahil ang akala niya, nililigawan ako ni Jiron? Gusto kong matawa, pero pinigilan ko ang sarili. Baka lalong lang sumama ang timpla niya. Paano niya naisip ang bagay na 'yon? Si Jiron, liligawan ako? No way. Jiron is an ideal guy, 'yung tipong bad boy pero napalakas ng dating pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at siguradong ganun rin siya sa akin, wala akong makapang spark kapag kasama ko si Jiron kaya saan naman kaya ni Adam nakuha ang ideyang iyon?

But I wanted to see Adam's reaction kaya naman sinakyan ko na lang siya. "Wala namang masama kung nililigawan nga ako ni Jiron 'di ba? Pareho naman kaming single tsaka wala namang magagalit eh." sabi ko habang tinitingnan kung anong magiging reaksyon niya. Narinig ko siyang nagmura ng maraming beses.

Is he.. jealous?

Assuming, sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko. Bakit naman magseselos si Adam? Hindi ka naman niya gusto.

Madilim ang mukha niya na tumingin sa akin. "What do you think of me?" halos pabulong na untag niya pero narinig ko pa rin na ikinaawang ng mga labi ko. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa sinabi niya. Posible kayang..? "Stay away from him, Xenna." mariing usal niya, sa tonong nag-uutos.

"Why would I, Adam? Bigyan mo ako ng magandang rason para layuan ko si Jiron." seryosong sabi ako, trying him. Gusto kong malaman.. gusto kong malaman kung totoo ba ang hinala ko.

Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na boses mula doon kaya muli niya iyong itinikom at namalayan ko na lang na sinimulan niyang buhayin ang makina at pinatakbo ang kotse. I sighed heavily at ibinaling na lang ang tingin sa window sa side ko. Mukhang mali lang talaga ako ng iniisip. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya, pagod talaga ako ngayon at wala akong balak na pilitin ang taong ayaw magsalita.

My Jealous Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now