17

4.5K 116 3
                                    

"Baby doll!" wala sa sariling inipit ko sa loob ng sketch pad ang pencil na hawak ko, closed it at ibinaba iyon on my lap when I heard that familiar baritone voice from nearby. Umangat ang tingin ko.

"Jiron." gulat na sambit ko. Ilang pulgada na lang kasi ang layo niya sa mukha ko. He was grinning from ear to ear kaya kitang-kita ang pantay-pantay at mapuputing ngipin niya. Halos hindi na rin makita ang singkit na mga mata niya na lalong lamang nagpadagdag sa charms niya.

"Hi baby doll! Good morning!" malawak ang ngiting bati niya.

I arched a brow. "Baby doll?" takang tanong ko at saka humalukipkip.

Banayad niyang kinurot ang pisngi ko then sat next to me. Sumandal siya sa bench then put his hands on the back of his head. Tumingala siya sa langit before he flashed me a glance while there is a playful smirk on his thin red lips. How I admired their gang. They were really all good-looking at walang ni tulak-kabigin sa kanila. And aside from that, they also have a soft side which most of the crowd do not know.

"Yup. Baby doll." magiliw na sagot niya, popping the p. "You have a baby face and looks like a doll at the same time, eh. So yeah, I'll call you that." untag niya then shrugged his shoulders.

I giggled. "Why are you alone? Bakit hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?" I asked him, wondering.

Natawa na lang ako nang ngumuso siya. Ang cute! "Ako ang kasama mo pero iba naman ang iniisip mo. You're hurting my feelings, baby doll." kunwa'y parang batang nagtatampong usal niya as he put his left hand above his chest.

Lumabi ako. "Ikaw naman. Masama na bang magtanong? Curious lang ako. Ngayon lang kasi kita nakitang mag-isa at hindi kasama ni isa sa mga kaibigan mo.. Huwag ka nang magtampo dyan, hindi bagay!" biro ko. Pero alam ko namang walang maniniwala ni isa sa sinabi ko dahil sa totoo lang, nakakaaliw tingnan si Jiron sa ganoong ekspresyon. Na animo'y isa siyang bata na naagawan ng candy.

"Hindi nga? 'Yon lang ba talaga?" nakataas ang isang sulok ng labi na usisa niya.

Napaiwas ako ng tingin. Nang-uusig kasi ang mga mata niya while looking at me at hindi ko 'yon nakayanang tagalan. May laman ang mga sinasabi niya at kung hindi ako nagkakamali, iisa lang ang tinutumbok ng isip ko at ng mga salita niya.

"Oo, 'yun lang." I answered hastily.

I heard him smirk. "Really? Pero bakit iba ang sinasabi ng kilos at ng ekspresyon ng mukha mo? Huh, Xenna?" Nilingon ko siya while biting my lower lip. There. Para akong dagang nasukol sa sinabi niya. Hindi ako sumagot. "Kasama niya 'yung tatlong gago, kausap si coach. Nag-CR lang ako then I saw you here, kaya nilapitan kita." he explained at tila nakakaintinding ngumiti sa akin.

The Dark Gang were varsity players of our school's basketball team since last week. The other day ko nga lang nalaman from Ania.

Tumikhim ako. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Jiron." mariing tanggi ko pero alam ko namang niloloko ko lang ang aking sarili dahil siya talaga ang kanina pang hinahanap-hinap ng mga mata ko.

Nagkibit-balikat siya habang may nakapaskil na malaking ngiti sa mga labi. "Sabi mo eh." he said in submission pero halata namang hindi siya naniniwala based on his voice, may nahihimigan kasi akong sarcasm doon. "Ikaw? Bakit mag-isa ka? Where are your friends?" balik na tanong niya sa akin.

"Mamaya pa ang class nila eh." tipid na sagot ko. Tumango-tango siya.

Ilang minuto pa kaming nag-usap. Pati 'yung sketch pad ko, hindi lumampas sa mga mata niya. Tiningnan niya iyon at pinuri ang mga sketches ko. Sinabihan pa nga ako na gusto niyang ako ang gumawa ng plano ng magiging future house niya. It was just very overwhelming na may nakaka-appreciate sa mga ginagawa ko.

My Jealous Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now