KABANATA 25

63.8K 1.9K 198
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ko sa cellphone. Mabilis ko iyong pinatay at tiningnan ang anak kong mahimbing na natutulog sa tabi ko.

It's 6am at mamaya pa ang alis ko pero kailangan kong bumangon ng maaga para ihanda ang mga pangangailangan ni Daeshaia. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siya, hinalikan ko siya sa noo bago maingat na lumabas.

Inagawan ko ng gawain ang aming kusinera, gusto ko kasing ako mismo ang nag-iintindi ng pagkain ng anak ko. Kahit nung nasa America kami ay maaga rin akong nagigising at pinagluluto ang lahat bago kami pumasok ni Cassandra sa trabaho.

Nang matapos ang lahat ay muli akong umakyat upang maghanda sa aking pagpasok, saktong paglabas ko mula sa cr ay nasiging si ineng. Agad siyang yumakap sa akin at humalik sa pisnge ko.

"Goodmorning mommy, are you going somewhere?" malambing niyang tanong.

Nginitian ko naman siya at bahagyang ginulo ang buhok nito.

"Remember when I told you that when we got here, Mommy's gonna work at Tita Cassandra's company, well I'm starting today honey." mahinahong paliwanag ko sa kanya.

Napanguso naman siya at muling sumiksik sa akin.

"Can I come with you?" she asked.

Napabuga nalang ako ng hininga at hinaplos ang buhok niya.

"Sa ibang araw na siguro anak, marami pa kasing aayusin at iintindihin si Mommy sa opisina ngayon." bulong ko rito.

Tumingala naman siya sa akin at tinitigan ako sa mata.

"Promise?" she said with full of hope.

I smiled at her and kissed her forehead. "Promise" I whispered.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ko kinarga ang aking anak. I wore a simple black pencil skirt at black tube top na pinarisan ko ng nude color na blazer. Lumabas na kami at tinahak ang papuntang kusina. Mom and Dad are already there, they instantly smile when they see us.

"Grandma! Grandpa!" my daughter shouted as she get off from my arms. Tumakbo ito papunta sa mga magulang ko at pinaghahalikan sila. Hindi ko naiwasang mangiti habang pinanunuod ang magulang ko at anak ko na masayang makita ang isa't-isa.

Thankyou God they accept her.

Puno ng kasiyahan ang aming hapag, madaldal si Daeshaia kaya naman kung saan-saan napupunta ang topic nito na masaya namang sinasakyan ng mga magulang ko.

"Grandpa are you a busy person?" bigla ay natanong ng anak ko. Lahat kami ay natigilan at nagtataka siyang tiningnan.

Seryoso at puno ng kuryosidad ang mga mata nito. Para namang sinasakal ang puso ko habang pinagmamasdan ang anak ko.

Alam na alam ko kapag ganito siya. Iisang tao lang ang dahilan nun, ang kanyang ama.

"Why did you asked baby? Well about your question, yes grandpa is kinda busy sometimes." maingat na sagot ni Daddy bago ako pasimpleng tiningnan.

Malungkot naman akong ngumiti sa kanya bago muling pinagtuunan ng pansin si Daeshaia.

Napanguso naman siya at saka tumingin kay Mommy.

"Does grandpa always come home grandma?" she innocently asked.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko at napatingin sa aking plato.

"Y-yes baby" alangang sagot ni Mommy.

Saglit namang natahimik si Daeshaia sa tabi ko kaya tiningnan ko siya.Malungkot ang kanyang mga mata at napatungo nalang sa kanyang plato.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now