KABANATA 20

59.4K 1.8K 201
                                    

Nagising ako sa maingay na kapaligiran na tila ba nagkakagulo.

"FVCKYOU IVANN!! PUTANGINA MALINAW TAYONG NAG-USAP!! TAPOS GANITO ANG GAGAWIN MO?!!" a familiar voice shouted.

Daevon?

Marahan akong bumangon at iminulat ang mata ko. Mula sa malabong paningin ay unti-unting luminaw ang paningin ko.

Ganun nalang ang gulat at paglaglag ng panga ko nang makita kong nakadagan si Daevon kay Ivann at panay ang pagpapaulan nito ng suntok.

What the hell is happening?

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at tumayo upang sana pigilan sila ngunit ganun nalang ang panlalamig ko nang naramdamang wala akong saplot ni isa.

Nagsimulang mangatal ang katawan ko sa kaba,takot at pagkalito. Mabilis kong ipinulupot ang comforter sa katawan ko at tulalang nakatingin sa kanila.

"D-daevon" garalgal na tawag ko at nagsimulang magtuluan ang aking luha.

Natigil ang kamao niya sa ere at marahan akong nilingon.

Hurt.

Betrayal.

Disappointment.

I can see it in his bloodshot eyes which made my heart twisted in pain.

"Did you two fvck?" he asked in low-pitched voice while straightly looking at me.

Unti-unti akong pumikit at nagsimulang humikbi.

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya dahil hindi ko rin alam kung ano bang nangyari.

Muling bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa restaurant. Kaya lalo akong napahagulhol.

Someone wants us to be apart that's for sure.

"FVCK! TANGINA!" sigaw na mura niya kasabay ng pagkabasag ng kung anong mga gamit.

I don't want to open my eyes.

Please.. It's just a nightmare right? Please.

Patuloy ang pagsigaw at pagmumura ni Daevon habang may mga nagbabagsakan at nababasag na bagay. Wala akong magawa kundi ang umiyak habang mariing nakapikit.

Few seconds later ay tuluyan nang natigil ang pagwawala ni Daevon doon palang ako naglakas loob imulat ang mata ko. Para akong pinagsasaksak ng punyal nang makita ko ang ayos niya.

Nakaupo ito at tulala sa kisame habang puros mga basag na gamit sa paligid. May bahid din ng dugo ang kamay nyang nakalaylay sa kanyang tuhod.

Gustong gusto ko siyang lapitan pero wala akong lakas. Lalo pang nanakit ang dibdib ko nang magsimulang magtuluan ang kanyang luha habang nakatingin sa kawalan. Pinasadahan ko ng tingin si Ivann na ngayon ay nanghihinang nakaupo narin sa isang tabi habang naniningkit at puros pasa ang mukha, may mga dugo rin sa gilid ng labi niya at gilid ng mata.

Doon ko lang napagtanto kung nasaan kami kaya mas lalo akong napaiyak ng tahimik.

We are in Daevon's bedroom.

I am fully naked while Ivann only wearing his undergarment.

I tightly shut my eyes at nanghihinang napaupo sa kama.

"Believe..me it's..all set up" mahinang sambit ni Ivann.

Kita ko ang pag-igting ng panga ni Daevon habang mariing nakaikom ang kanyang kamay.

Gusto kong sang-ayunan si Ivann pero hindi ko alam kung paano magsasalita. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko ngayon sa paningin niya at wala akong karapatan na kausapin ang isang tulad niya.

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now