KABANATA 3

80.3K 2.5K 452
                                    

Kinabukasan ay nagising ako sa marahang pagtapik. Marahan kong idinilat ang aking mata at tumambad sa akin ang pagod na mukha ni Cassandra.

Sinubukan kong ngumiti sa kanya para pagaanin ang loob niya, sinuklian naman niya iyon bagamat peke ay ayos narin dahil kahit papaano at sinusubukan niya.

"Mag-ayos kana, we'll leave in 1hour" mapait niyang ani.

Bumangon ako sa pagkakahiga at niyakap siya. Para naman siyang awtomatikong nanghina at napatungo nalang sa balikat ko.

"This will be the last time that I will able to see my father Ayesha" mahinang bulong niya.

Napagdesisyunan nina Tita na limang araw lang iburol si Tito at ito ang huling araw na iyon. Wala naman akong nasabi pa at hinayaan nalang siyang magpakahina sa harap ko.

Ilang segundo ang lumipas ay kusa narin siyang kumalas at nginitian ako. "I'll go outside, sa baba ka nalang namin iintayin ni Mommy" she informed. I just nod and she instantly left.

Napabuga nalang ako ng hininga sa kaiisip ng mga pinagdadaanan ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung ipapagpasalamat ko iyon dahil nawala ang atensyon ko sa sariling katangahan na ginawa.

Kalma Ayesha.. It's been 5 fvckin days.

I said to myself nang maalala ang nangyari. Anong taon na ngayon, halos hindi na bigdeal para sa lahat ang pagtatalik lalo na sa mga katulad niyang maharot.

Ikaw ang maharot Ayesha. You seduce him.

"Argh! seriously? battling with myself? Jeez!" wika ko. Nagsimula akong maligo at mag-ayos ng sarili bago chineck ang cellphone ko.

Nangunot ang noo ko nang mabasa ang mensaheng sinend sa akin ni Daddy 34mins ago.

Dad
Papunta na kami ng Mommy mo para makiburol ngayong huling araw. We need to talk after at home.

Why do I feel like sobrang seryoso ng text ni Daddy?

Instead of thinking I just decided to shrugged it off.

Maybe about business.

Few hours later ay natapos na ang paglilibing kay Tito. Unti-unting nagsi-alisan ang mga tao hanggang sa kami nalang apat nina Cassandra,Andrei at Tita ang natira. Umuna narin sina Daddy at muling ibinilin sa akin na mag-uusap kami sa bahay pag-uwi.

"Bitch, uwi na ako ha. May pag-uusapan pa kasi kami nina Daddy." bulong ko nang makalapit ako sa kanya.

Pilit naman siyang ngumiti at tumango sa akin para bang pinararating na naiintindihan niya ang mga sinabi ko. Niyakap ko siya bago naglakad kay Tita para mamaalam.

"Salamat Ayesha" sinserong usal ni Tita, niyakap niya ako at ginantihan ko naman iyon.

Tumama ang paningin ko kay Andrei na seryoso at malungkot na nakatingin kay Cassandra na hindi naman nakikita ng kaibigan ko dahil tulala itong nakatingin sa puntod ni Tito. Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya bumaling siya sa akin. Tumango nalang ako sa kanya bilang senyales ng pamamaalam ganun din naman ang iniresponde niya sa akin.

Marahan akong kumalas kay Tita at tuluyan ng nilisan ang lugar. Ang alam ko ay mananatili muna sa bahay ni Tita si Cassandra kahit dalawang araw lang, marahil ay nag-aalala din iyon sa kalagayan ng Mommy niya.

Mabilis kong pinaandar ang aking kotse na dinala ni Daddy at iniwan para magamit ko. Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na na akong nakarating ng bahay.

Napakunot ang noo ko sa pagtataka nang makakita ng hindi pamilyar na sasakyan sa grahe nang magpapark ako.

May bisita sina Mommy?

R U I N E D (MarriageSeries#2) -COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin