Chapter 1 - No where to go

3 1 0
                                    

Nhiezel POV






Life is always unfair, I study hard to get a perfect score in exam but in the end ,I'm still stocked in the second place.I always wish to be on top not because I'm being ambitious but because its the only way where I can get a scholarship on college.

She thoughts while staring at her results.

Hayyy..... napabuntung hininga na lang siya , wala naman kasi siyang mapapala kung ngangawa siya dito

"Hey Zhel!' mabilis siyang lumingon sa tumawag sa kanya , si Allyssa, kaibigan niya

'Bakit?' tanong niya dito

'Si Enriquez pa rin ang top, yan yung narinig ko kanina kay ma'am. Okay lang ba sayo?'sabi nito

'Yah , wala na naman akong magagawa.'
matabang kong sinabi

'But for me, your the number one' pampalubag loob na sabi nito

'thanks' sabi nalang niya at nginitian ito.

Siyempre kaibigan niya ito kaya nito iyon nasabi







Years passed like a blur, and Im a college graduate na , natupad rin ang pampangatlong pangarap ko,ang maging teacher, yeah pangarap ko talaga kasing maging doktor o di kaya engineer pero sa hirap ng buhay nakuntento nalang ako sa pagtake ng Education..

Dati rati grades lang problema ko , pero ngayong nagkatrabaho na ako narealize kong mas may malaki pa palang problema lalo na pag namulat ka sa totoong mundo..

Dati , maging top 1 lang ako solve na , pero ngayon kailangang malaking suweldo ang makuha ko.

''Hoy Nhiezel ! ,tatlong buwan nang hindi nababayaran ang upa niyo,aba'y ano pang silbi ng pag aaral mo kung di mo rin naman napapakinabangan!" Pagbubunganga ng landlady namin.

"Auntie Jammy , pasensya na po , wala akong pambayad sa ngayon,promise po pagnagka pera ako ,babayaran ko po kayo" pakikiusap ko dito ,pero para wala itong narinig

"Aba'y hindi naman yan pwede, may pinapakain rin akong mga anak, kung wala kang pambayad umalis ka dito para maparentahan ko to sa iba!" nakapamaywang pa nitong sigaw sakin

"Wala po talaga ako ngayon, pasensya na po talaga" pagmamakaawa ko

"Ineng wala na akong pakialam , ang gusto ko lumayas ka dito .Iligpit mo lahat ng gamit mo kung ayaw mong ako pa magtapon nang lahat ng iyan !'' nanggigilaiting sabi nito

Gustuhin ko mang magmakaawa pa , pinigilan ko nalang ang sarili ko, sarado na ang utak nito at walang malasakit sa naghihirap at nangangailangan.Bakit kaya may mga taong kagaya nito?

Inipon ko lahat ng gamit ko.kunti lang naman ito,

Nilibot ko ang paningin ko sa boung apartment , matagal tagal rin akong nanatili dito pero ngayon kailangan ko na tong lisanin , napabuntung hininga nalang ako.

" Madali ka naman palang kausap , hala layas! Ayoko nang makita pagmumukha mo, nalulugi ako dahil sayo!" sigaw ni Aling Jammy pagkalabas ko ng apartment bitbit ang mga gamit ko.

Gusto ko mang magalit sa kanya , pero pinigilan ko ang sarili ko , may utang ako sa tao kaya ganun nalang ang galit sakin .Pero sa isip ko , fair ba to ? Deserve ko ba ang trato na ginawa niya sakin dahil lang sa hindi ako nakabayad ng upa?Pero winaglit ko na yun sa isip ko.

Naglakad lakad ako bitbit ang mga gamit ko.

San na ako nito ngayon?

Tanong ko sa sarili ko , wala akong kamag anak o kakilala man lang sa lugar nato .

Pano na ako ngayon?

Gusto kong maawa sa sarili ko at umiyak pero pinigilan ko..

Kailangan kong gumawa ng paraan,fighting! pagpapalakas ko ng loob.






Gabi na, dito ako sa isang parke naabutan ng dilim, nilibot ko ng paningin ang paligid

'Maraming tao'

Hayy, ang daming tao sa mundo pero wala man lang ni isang nakakita na nangangailangan ako , wala man lang ni isang naka pansin na napalayas ako ,sabagay ganyan naman ang mga tao , walang pakialam.Ni kamag anak mo nga walang pakialam sa iyo , ibang tao pa kaya? Napangiti ako ng mapait.

Siguro malas lang ako , graduate nga, pero wala namang trabaho tas ngayon wala nang tirahan ..Napahalakhak ako ng malakas..tumigil ako sa pagtawa at sumigaw

"Tanginang buhay to ! Buhay pa ba ito ?! Bakit ba ang unfair ng mundo?! Bakit kung sinong mahirap mas lalo pang naghihirap at pinapahirapan?!At bakit ako ?! Bakit sa lahat ng tao ay ako pa?! Ano bang kasalanan ko ?! Ahhhhhhhhh!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa hagulhol ako , nakakapagod na tong buhay nato, nakakapagod umintidi ..

"Hoy miss! Bat ba ang ingay mo ? Kung gusto mong magsisigaw dun ka sa malayo , wag dito ,napakalaki mong istorbo!" inis na sita sakanya ng isang mama pero imbes na pagtuonan ng pansin , binalewala na lang niya ito at nag focus sa pag iyak pa niya..

"Tang ina mo miss, walang ililibing dito , wag kang mag iiyak diyan!" Sabi ng isang babae ..

Inis niya itong tiningnan

"Bakit nakikialam kayo ? Inaano ba kayo ha ? Nagdadrama ako dito wag kayong epal !" Asar niyang sigaw sa mga ito.

"Wow ! ikaw pa tong galit pagkatapos mong ngumawa at magsisigaw sa harap namin" asar ding tugon ng isa sa mga ito

Tiningnan niya yung kinauupuan niya , at shiit na malupit ba't nandito ako sa tabi ng mga ito ? Ghad para palang iniiyakan ko tong isa kasi nakahiga siya sa harap ko , tangna kung kailan ko naisipang magdrama palpak pa..

Mabilis akong tumayo at binitbit ang gamit ko at lumayo sa grupong iyon.

"Hahaha, baliw ata ang isang iyon" rinig kong sabi nila habang nagtatawanan ..

Ano pang katangahan ang gagawin mo? tanong ko sa sarili ko..

Naglakad lakad ako at tumingin sa paligid , san ako matutulog ngayon ?Napakadelikado kung dito ako baka maraming masasamang loob ang nakakalat sa tabi tabi..

Hayy... ito talaga ang realidad pag mahirap ka at nawalan , talagang mawawalan.

Lord , sana naman po may matulugan ako kahit ngayong gabi lang....

Dahan dahan lang ang paglalakad ko , palinga linga sa paligid para humanap ng matutulugan ko kahit ngayong gabi lang..

Hayyy, nakakapagod na.

Gustuhin ko mang tumigil at magpahinga na ,nangangamba ako sa pwedeng mangyari kung saan saan lang ako lulugar ngayon dito, dami pa namang masasamang loob..

Parang bumibigat na ang katawan ko pakiramdam ko may hinuhugot sakin
hanggang sa

magdilim ang paningin ko....






YOU'RE MY STRENGTHWhere stories live. Discover now