Chapter 4 - Find another job

2 0 0
                                    

I've been walking around a quiet sometime now .I'm finding the exit but whatever I do I'm still coming back where I came from the start.Parang paikot ikot lang ako.I tried to look around and shoot , this place looks familiar .I've been here if I'm not mistaken.I walk faster to the biggest tree I saw and checked it ,and yes I saw the carved letter and this only means one thing :I'm here in this park where everything happened.I lost my strength that makes me fall into my knees.I tried to recall every details of what happened on that day ,but I can't .It seems that my mind was blocked to remember something important.I tried again but again I failed.

I'm starting to lose my consciousness in this place when I feel someone poking me..

'hey! Miss gising ,hoy!'

Nagmulat ako bigla ng mata at nakita ko ang mama na nakatayo sa gilid ng kama ko na inis na inis na nakatingin sakin.

'b-bakit?' tanong ko sakanya

he sarcastically laugh

'haha, baka nakalimutan mo na kamo na yaya kita , pero mas una pa akong magising sayo ,tingnan mo alas nueve na ganyan ba ang oras ng gising ng katulong ? Gutom na ako pero wala paring makakain sa kusina ,ano ba yan ! May bisita ako miss pero ayun ,nanginginig rin siya sa gutom ! Kanina pa kita ginigising pero mukhang sarap na sarap ka sa tulog mo .Dapat matuto kang gampanan ang tungkulin na binibigay sayo , masyado kang pabaya.Dapat man lang nagset ka ng alarm clock diba kasi alam mo na tungkulin mo ang gumising ng maaga !' mahabang litanya niya

Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko at hinayaan siyang sumabog sa sobrang inis.Para sa isang lalaki ,masyado siyang madaldal.

'Oh ano ,tutunganga ka nalang jan magdamag ? Magluto kana dun dahil gutom na gutom na ako !' sigaw niya sa akin bago tuluyang umalis ng kwarto ko at pabalyang isinara nito ang pinto..

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.Oo sabihin niyo nang mababaw ako pero kasi ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.Parang ang sakit at ewan ko kung bakit eh sanay naman akong sigawan at maliitin ng kung sino..

Mabilis kung pinahid ang luha ko at dumiretso sa cr para maghilamos tas pumunta sa kusina para ipagluto siya

Mabilis lang akong natapos , lumabas ako para sabihing luto na pero wala siya sa sala .

YOU'RE MY STRENGTHWhere stories live. Discover now