Matapos ang halos isang linggo ay naisip ko munang dumaan sa apartment ko. Last time na punta ko doon ay sira-sira na ang mga gamit ko at pati na din ang pinto.

Kaya naman laking gulat ko nang makitang maayos ang loob nun, at malinis din. May nakikita din akong ilang bagong gamit, kapalit nung mga sinira ni papa.

Hindi ko maiwasang mapangiti, alam ko kaseng si Quine ang nag-paayos nun.

Pero hindi rin nag-tagal ang ngiting sa labi ko nang may makita akong nakatuping puting papel sa may nightstand ko... Katabi ang kwintas at singsing na binigay ko kay Quine.

Sa penmanship pa lang nun, alam kong kay Quine galing yun.

Sa loob-loob ko, may pakiramdam na ako kung ano ang nakalagay sa sulat na yun...pero nilakasan ko ang loob ko at binasa yun.

To Van,

Sigurado akong habang binabasa mo ang sulat na 'to ay nasa Australia na ako.

Sorry kung hindi na ako nag-paalam pa. Hindi, sa totoo lang hindi ko talaga gusto.

Nag-enjoy ako. Sa mga luto mo, sa mga pangungulit at pang-aasar mo, sa mga kalokohang naiisip mo. Lahat-lahat na-enjoy ko.

Alam kong marami akong mami-miss kapag umalis ako. Ikaw, ang pabango mo, ang luto mo para saken tuwing umaga at minsan sa hapon. Ang makita kang suot ang mga damit ko, ang makinig sa boses mo habang kumakanta ka, ang panonood sayo habang tulog ka. At marami pang iba.

Pero andito na tayo, sa dulo. Parang kailan lang nung tanungin kita kung hanggang saan kaya tayo aabot, tanda mo pa ba? Who would've thought ngayon pala yun?

Heartbeat Road  (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora