Chapter 3

87 4 0
                                    

Ahrabella

I BIT the insides of my cheeks and stopped on my tracks.

It's a blessing in disguise that I chose to wear a comfortable clothes under my jacket. Mas komportableng makipaglaban.

Mas pinatalas ko ang pakiramdam at napangisi nang marinig ang mahinang yabag ng sumusunod sa akin ngayon. Sorry na lang siya dahil matitikman niya ang suot kong seven-inch stiletto.

Mabilis akong nagtago sa isang pader at hinintay na dumaan ang kanina pang sumusunod sa akin. After having a dinner consisted of the junk foods I bought earlier, I decided to try and see the bar near my condo.

Napangisi ako nang marinig ang nagmamadali niyang yabag nang mapansing wala na ako sa paningin niya.

Napataas ang kilay ko pero walang sinayang na sandali at mabilis na hinila ang jacket na suot nito. I pressed my fingers on the nerve of his neck, one wrong move and he'll lose his consciousness.

"Why are you following me?" Madiin kong tanong sa kaniya. I quickly caged his hands with my other hand and made him faced me.

My eyes widen when I saw who it was. "T-theo?" Inis ko siyang sinuntok nang malakas sa braso at itinulak.

Peste, akala ko kung sino nang kalaban o taga ritong minamanmanan ako. Si Theo lang pala.

Malakas siyang napa-aray sa suntok ko pero inirapan ko lang siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang agad niyang pagsunod sa akin.

"Sa'n ka pupunta? Mag-gagabi na." Napaingos ako sa sinabi niya. Ayan na naman siya, nagpi-feeling kuya na naman. Para namang hindi niya alam na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

Hindi ko siya pinansin at mas binilisan ang paglalakad. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina. Tumigil kami sa harap ng malaking pinto na may karatulang Intoxicated.

It looks like an underground bar. Hmm, interesting.

"Hey! 'Wag mong sabihing iinom ka ngayon?" Walang reaksyon ko siyang tiningnan at itataas na naman sana ang kamao pero agad siyang umiwas sa akin.

"Ano naman?" Lumapit na ako sa taong nagbabantay ng entrance at ipinakita ang fake id ko. Natigilan ako nang tumaas ang kilay ng naka-tuxedo pang gwardiya.

Pareho lang ng real age ko ang nasa fake id ko pero kung makataas naman ng kilay ang gwardiyang 'to. Hindi na ito pinalitan ni Gio dahil mas lalo raw hindi kapani-paniwala. Mukha raw akong inosente at high schooler, bagay na kabaligtaran naman sa kung ano talaga ako.

Tinaasan ko rin siya ng kilay at tiningnan siya nang masama. Namutla naman ang lalaki sa ginawa ko at tuluyan na akong pinapasok.

Dami pang echos, magpapapasok rin naman pala.

I was met by a stairs that leads to a huge basement. I smirked when my eyes saw the place.

"Nice." I murmured silently. Hindi gaanong masakit sa ulo ang tugtog nila, gayundin ang mga neon lights na ginagamit nila.

Bago pa ako makita ni Theo at guluhin, mabilis na akong pumunta sa bar counter at umorder. "Your strongest one please." Hindi tumitinging saad ko sa taong naroon.

Stealing His Royal Heart (Royalty Series #1)Where stories live. Discover now