Chapter 5

78 3 0
                                    

Ahrabella

LUMIPAS ang isang araw, mas lalo kong napag-aralan ang kabuuan ng palasyo.

Well... After a morning with a bad hangover, nakapagfocus naman ako pagkatapos.

Narito na kami ngayon sa isang tour bus na puno ng mga turistang gustong libutin ang palasyo ng Silverhaize. Sumatutal, mayroong sampung bus na puno ng tatlumpong turista bawat isa. May mga Pilipino rin akong naririnig na nag-uusap kaya't nakisama na lang ako sa kanila para hindi kami mahalata.

Tinanguan ko sina Theo na nakita kong kasama ngayon ang chix niya kagabi. He is wearing his disguise but I can still recognize him. Natawa na lang ako dahil halatang inis na inis na siya sa ginagawang paglingkis ng babae sa kaniya.

Napailing na lang ako.

Kasalanan niya yan, masyado kasing malantod.

Tumigil na ang sinasakyan naming bus kaya't napahinga ako nang malalim habang inihahanda ang sarili. Nasa loob na rin ng dala kong bag ang lahat ng kakailanganin kong gamit.

Rinig ang malakas na singhap ng mga kasama ko nang makita ang malaking gate ng palasyo. Maging ako ay napanganga sa laki nito.

"Woah." My eyes widen as I saw the huge gate of the palace.

I wasn't expecting it to be this big but I know that I could climb the thing.

Napakataas at napakalaki nito. Matulis rin ang pinakatuktok ng gate na kapwa may mga nakakabit na CCTV sa bawat dulo.

Napangisi ako nang hindi nila kami inspeksiyunin. Nakita ko rin ang parehong ngisi sa mukha nila Theo kaya't napailing na lang ako.

Masyadong malaki ang kumpiyansa nila sa seguridad ng palasyo na hindi man lang sila nag-abalang siyasatin ang mga gamit namin.

Tingnan natin kung gaano kagaling ang security system niyo.

Kayang-kaya ko ring labanan ang mga gwardiyang nakapalibot sa palasyo kung kakailanganin naming tumakas.

Kaniya-kaniyang pagkuha ng mga litrato ang mga kasamahan kong nanggaling pa sa iba't ibang bansa. Nagkunwari na lang rin akong namamangha sa lugar kahit na ang totoo ay kanina ko pa hinahanap ang simbolo ng Paraiso.

Isa itong larawan ng araw na nagbabaga na may gintong korona sa itaas. Lagi itong nakaimprinta sa isang puting tela at ang kadalasang nag-iiwan nito ay ang mga Invi. Sila ang mga miyembro ng Paraiso na kailanman ay hindi nakita ng kahit sinuman.

They have been Paraiso's ally for a while now, as told by Gio and we're lucky to have them by our side since there's a rumor circulating that keeping them, gives the clan a luck on every mafia war. Still, I'm confident that even without them, we could win every battle.

Napatingin ako sa kabuuan ng palasyo. Narito na kami sa North Wing. Nalaman kong may tinatawag palang North, East, South at West Wing na siyang nakapalibot sa palasyo ng Silverhaize. Mga mansyon na may kaniya-kaniyang naninirahan at pinaggagamitan.

Kulay puti ang kabuuan ng North Wing at may disenyong ginto sa bawat paligid. Meron ding isang malaking swimming pool sa may bakuran. Ito ang pinakaluma ang datingan sa lahat ng mga mansyon dahil mas gusto raw ng kasalukuyang reyna at hari ang ganitong disenyo.

Stealing His Royal Heart (Royalty Series #1)Where stories live. Discover now