Chapter 11

48 3 0
                                    

Ahrabella


"FVCK..." Mahinang mura ko nang makita ang isang simbolong sa larawan ko pa lamang nakikita.

It was there, lying without any motion at the edge of the fruit's aisle.

Mabilis akong tumakbo sa direksyon ng stall at kinakabahang kinuha ang manipis na telang nakaipit sa gitna ng mga mansanas. Napamura muli ako nang makitang tama nga ang hinala ko.

Isang simbolo ng Invi...

Ngunit nawawala ang koronang nasa itaas nito.
Ramdam ko ang panghihina at mabilis na pagsirok ng kaba sa aking sistema nang mapansing sa halip na pula ang kulay ng araw ay naging itim ito... Senyales na may masamang mangyayari. Na kahit ang Invi ay walang magagawa upang tulungan ako.

Ibinulsa ko ang tela at mabilis na binuksan ang cellphone ko. Mas lalo pang dumoble ang kabang nararamdaman ko nang makita ang mga mensahe nila Gio sa'kin.

~~~
From: Gio
Go somewhere Bella. The royal guards are after you.
~~~

~~~
From: Eunice
Hide Belle. Escape somehow.
~~~

~~~
From: Theo
Wait for me. I'm coming for you.
~~~

~~~
From: Elvin
Hide babe. We'll get there as soon as possible
~~~

~~~
From: Kleo
....
~~~

Napairap ako sa iba't iba nilang mensahe ngunit mabilis ring itinago ang cellphone sa bulsa. Ni hindi man lang nag-abala si Kleo at sinendan lang ako ng 'like' na nakabaligtad. Yup. I know that I really am into a deep shit.

Napalingon ako sa direksyon ng entrance door ng grocery dahil sa sunod-sunod ngunit tahimik na mga yabag ng mga kalalakihang walang dudang mga kawal ng palasyo. I calmed myself down and silently walked at the direction of the staff's room. Napangisi ako nang makitang nakabukas ang back door nito--which I'm sure, will lead me to the exit of this store.

Gulat na tumingin sa'kin ang mga empleyadong nando'n. Akma pa lang silang magsasalita nang agad ko silang sinenyasang manahimik at umaktong kinakapa ang baril sa bewang ko.

But shìt. I left my fvcking gun under my pillow. Fvck it.

Hindi ko pinahalata ang nalaman at nanatiling walang reaksyon ang mukha habang umaaktong may baril talaga sa bewang ko. Ngunit ilang metro na lang ang layo ko sa backdoor nang mabilis na dumating ang mga kawal ng palasyo. Kaagad nilang sinenyasan ang mga empleyado ng grocery na umalis habang may tatlong nakatutok ang baril sa akin. Itinaas ko ang kamay ngunit nanatiling seryoso ang iginagawad nilang tingin sa'kin.

Sinenyasan ng tila chief ang dalawa sa kaniyang kaliwa na lumapit sa direksyon ko habang dahan-dahan akong pinalilibutan ng iba pa nilang kasama. Sinamaan ko ng tingin ang dalawang lalaking hanggang ngayon ay hindi pa nakakarating sa pwesto ko. Para silang maiihi sa takot at nanginginig pa ang mga kamay na may hawak na baril.

I smirked, "Too slow." Mabilis kong kinuha ang baril ng lalaki sa kaliwa ko na siyang pinakamalapit sa'kin at pinaputukan ang mga kawal na nakatutok ang baril sa akin. Mahina akong natawa nang sa isang iglap lang ay nabawasan agad ang bilang nila.

"Why wouldn't you fire at me?" I asked, genuinely confused at their actions. Matigas ang mukha ng chief na pansin kong medyo may edad na bago ako nito sagutin. "The order is to capture you, not to kill you. But if you continue doing this, we won't hesitate to---" Hindi ko na siya pinatapos bago mabilis na ibinato ang kalabasang nadampot ko papunta sa mukha niya with full fvcking force.

Stealing His Royal Heart (Royalty Series #1)Where stories live. Discover now