36

1.4K 54 6
                                    


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 08/09/2020, 09:01 AM
Subject: Pleasure and Pain

Hon,

"Where are you taking me, Sixth? Hindi naman 'to daanan papuntang ospital, ah?" panglimang beses mo na yata iyong tanong sa'kin.

"Basta. Sa lugar kung saan makakapag-relax ka naman kahit papaano."

"Saan nga kasi?"

Sumulyap ako sa'yo bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"It won't be a surprise anymore if I tell you that," giit ko.

You crossed your arms and pouted. "Fine. Siguraduhin mo lang na maihahatid mo ako pabalik ng ospital sa tamang oras."

I nodded. Hindi ka na lang pinagsabihan sa bagay na bumabagabag sa akin. I didn't wanna tell you that I'm worried about you too. Palagi ka kasing nasa ospital lang at nag-aalala. I wanted you to rest even for just a bit. Para na rin maihanda mo ang sarili bago ang operasyon ni Lovely. Kaya naman ay naisipan ko ang bagay na 'yon.

Pagkalaon ng halos trenta minutos na biyahe ay nakarating din tayo. I stopped the car and we both went out.

Iginala mo ang tingin sa buong lugar. Awang ang labi mo'ng ibinalik ang tingin sa akin.

"A cabin? In a lake? Kaninong lugar 'to?"

Nakapamulsa akong hinarap ka. "Dad's friend. Hopefully it will be mine soon. Hinuhulugan ko."

Pinagmasdan mo uli ang paligid. The grasses were green. In front of the cabin is a wide lake. May isang boardwalk na gawa sa tabla papunta rito.

"Wow...This is nice," sambit mo.

"Wanna do kayaking?" Iminuwestra ko ang kayak na nakatali sa gilid ng boardwalk.

"I'd love to!" Puna ko ang saya at pananabik na reaksiyon mo.

Walang pasubali nating inakyat na ang boardwalk at tinungo ang kayak. Kinuha ko ang sagwan at itinabi na muna ito. Inangat ko ang kayak at marahan na ibinagsak sa tubig. Inalalayan kita para sumakay. Hawak ang sagwan sa isang kamay ay sumunod na rin ako.

We were seated across each other. Sa magkibalang dulo ng kayak. I was rowing while you were busily taking in the view.

Your face was glowing when you sighed. "Ang relaxing naman dito. Paano mo naisipan na bilhin 'to?"

"Narinig ko lang ang usapan nila ni Dad at ng kaibigan niya. Ipinagbibili niya raw 'to kaya kinuha ko na."

You gently smiled at me. "Oo nga pala. You like the nature."

"Yep. Nature relaxes and comforts me. Alam mo naman 'yon."

Nang marating na natin ang gitna ng tubig ay tumigil na ako sa pagsagwan. We were quiet for sometime.  It was a comfortable silence. Pareho lang pinagmamasdan ang tubig. After a while, you spoke. "I really hope maging successful ang operation ni Lovely ngayong Sabado."

I tried to catch your eyes. Binigyan kita ng banayad na tingin nang tingnan mo na ako.

"It will be. Sabi ni Dad na ang doctor ni Lovely ang pinakamagaling. Let's just trust in him. And Lovely is a strong person. Magiging matagumpay ang operasyon, Hon."

Hon, (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora