13

1.3K 52 2
                                    


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 03/22/2020, 09:01 AM
Subject: To the girl who's my medicine whenever I got sick...

Hon,

How are you today? Sana inaalagaan mo ang sarili mo. I heard from Tito Melvin that you're on a new project. Masaya ako sa pagiging script writer mo. Sana lang, hindi mo pababayaan ang health mo. I know how you work hard for your career.

Speaking of health, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko simula pa kagabi. May trangkaso lang. Naalala ko tuloy no'ng nagkasakit ako noon. Tinalo mo pa ang mismong nanay ko sa pag-aalala.

"Anong okay ka lang?! Clearly, you're not okay. Mainit ka kaya!" bulyaw mo sa'kin.

Sinubukan kong bumangon mula sa kama pero kaagad mo naman akong itinulak kaya hindi ko magawa. "I'm fine. Sipon lang 'to. Pupunta pa tayong Simala ngayon 'di ba?"

"Hindi na. Next time na lang. Kapag hindi na masama ang pakiramdam mo." Kinumutan mo ako at pagkatapos ay hininaan ang air con.

Umubo ako. Sumakit ang lalamunan ko. "Pero nangako ako sa'yo na sasamahan ka do'n."

"I'll just go to church later," sabi mo at naupo sa gilid ng kama ko.

"Isama mo na lang si Lovely."

Ngumiwi ka. "Asa pa ako do'n. Parati kaya 'yong nagpapadasal lang sa'kin."

I chuckled. I felt drowsy. Hindi na rin ako makasinghot. Shit. May bumabara sa ilong ko.

"Iiwan muna kita sandali. Kukuha lang ako ng gamot sa baba." Mabilis kang tumayo at humakbang na palapit sa pintuan.

"Do you know where it is?" Hindi mo na nasagot ang tanong ko dahil lumabas ka na ng kuwarto. Oo nga pala at para mo nang bahay ang bahay ko.

Ilang sandali pa ay bumalik ka na bitbit ang isang baso ng tubig at tabletas. Bumangon ako at naupo na lang sa kama. Tinanggap ko ang tubig at gamot mula sa'yo.

You looked at me worriedly. "Should we go to the doctor?"

Inilagay ko ang baso sa ibabaw ng cabinet. "Hon, it's just cold. Malayo 'to sa bituka. I just need to rest for like two hours."

"Are you sure?"

"Oo. Umalis ka na. Baka mahawa ka pa. Mas titiisan ko pang magdusa ng mag-isa kaysa mahirapan ka," madrama kong sabi saka muling humiga.

Ngumuso ka lang at inirapan ang sinabi ko. "Fine. Babalik din ako pagkatapos magsimba. Wala kaya sila Tita."

"Nandiyan naman sina Manang. Tatawagin ko sila 'pag pakiramdam ko naghihingalo na ako dahil sa sipon."

Kinurot mo ang braso ko at tumawa lang ako. "Sige na nga! Aalis na ako. Kiss muna kita."

Pinagkrus ko ang braso ko na parang ginawang shield mula sa'yo. "Matapos mo akong saktan? Hahalikan mo rin ako? Wag na, babe."

"Alam mo, mas nakakainis ka kapag may sakit! Nakakaasar 'to!"

"Wag mo na akong halikan. Ayokong mahawa ka. Don't worry, once I get well, I'll kiss every inch of you." I winked.

Hon, (Completed)Where stories live. Discover now