26

1.3K 50 1
                                    


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 06/07/2020, 09:01 AM
Subject: Hospital

Hon,

Lunes ng gabi, habang  naghihintay sa fried chicken na nasa loob ng microwave, tinawagan ko si Lovely para kamustahin.

"How are you feeling?" I asked her.

"Okay lang naman. Ito at nasa ospital pa for more tests daw. Dinaig pa ang school sa pa-tests, Kuya!"

I chuckled and sat on the high chair in my condo's kitchen. "Ano ba kasi ang nangyari? Sprain ba talaga? 'Yon ang balita sa akin ni Mommy ah."

Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Oo. Sprain naman ang initial finding ng doktor. Pero may titingnan pa sila para makasigurado. Naglaro lang naman kasi kami ni Coli ng soccer."

Naningkit ang mga mata ko nang binanggit niya ang pangalan ng crush niya na kalaunan ay naging boyfriend din niya.

"Soccer ang date niyo? Bakit ba hindi na lang kayo kumain sa labas?"

"Boring kasi kapag palaging ganoon. Dapat may sport bond din para raw mas tumatag pa ang relasyon ayon sa nabasa ko. Anyways, alam mo bang uuwi rito si Ate bukas? Kahit na sinabi ko namang okay lang ako at sprain lang 'to, nag-aalala pa rin talaga siya."

Ilang segundo akong natahimik nang maalala ang naging pagkikita natin sa cafe.

"Kuya? Andiyan ka pa ba?" pagtawag ni Lovely sa kabilang linya.

Nabalik ako sa wisyo hindi dahil sa pag tawag niya kundi dahil sa pag tunog ng microwave hudyat na mainit na ang fried chicken na inilagay ko. Ni-loud speaker ko ang cellphone at tumayo na para buksan ang microwave.

"Sorry. Kinuha ko lang ulam ko. At siyempre mag-aalala ang Ate mo para sa'yo."

"Hindi pa rin ba kayo nagkita ni Ate diyan? Ganyan ba talaga ka laki ang Maynila para hindi kayo pagtagpuin?"

I waited another beat before I answered her. "Nagkita na kami. Noong Sabado."

"Talaga?! Anong sabi? Nagkabalikan na kayo? Napatawad na ba niya ang kalapastanganan mo?!"

I chuckled with her word usage. "Nag-usap lang kami. Just cleared things up. Wala na kaming pag-asa pa ng Ate mo."

"Pero umaasa ka pa rin! Aminin..." May tunog pang-aasar na sabi niya.

I grinned to myself. "Magpahinga ka na nga. And next time, please don't pretend to be a sporty person just to impress your boyfriend. Sigurado akong alam na no'n na tamad ka."

"Tse! Hmmm. Sige na at bawal na raw ang cellphone. Kukuhanan na rin ako ng dugo ni Ate Nurse dito. Kumain ka na rin, Kuya. Bye!"

Matapos ang naging pag-uusap namin ng kapatid mo ay naghanda na rin ako para sa hapunan. Medyo nasasanay naman ako na maging independent na. Noong una palagi kong naiisip na sana pala pumayag na lang ako sa sinabi ni Mommy na ipadala rito si Manang. Pero simula noong makapag-adjust na ako, hindi ko na naiisip 'yon.

Maaga akong pumasok sa klase kinabukasan dahil sa reporting. Habang tumatagal ang masters ko, mas lalong dumadami ang paperworks ko. Sabi nila depende raw kasi 'yon sa eskuwelahan o hindi kaya ay sa mga professors. Pero habang pinagmamasdan ko ang mga classmates ko na nahihirapan din, unti-unti akong bumabalik sa pagiging relaxed. Naiisip ko na hindi lang naman ako ang nahihirapan.

Hon, (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon