33

1.3K 46 2
                                    


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 07/26/2020, 09:01 AM
Subject: Bahay Kubo

Hon,

Dumalo ako ng meeting sa Cebu branch Martes ng hapon. Napag-usapan doon ang tungkol sa isa na namang promotional event para sa Davao branch. At dahil nagustuhan ng board ang script na ginawa mo pati na rin ang pagiging epektibo nito simula nang na-ere ang advertisement, napagpasyahan na ikaw ulit ang kukunin.

Nagpataas ako ng kamay matapos masambit ang pangalan mo ng head of promotions. They all turned to look at me.

"Can we find someone else instead? I think she's...currently preoccupied," suhestiyon ko. Inaalala ko kasi ang kalagayan ng kapatid mo at tingin ko ay hindi mo siya maiiwan.

"Well...we can but...nakakapanghinayang lang because personally speaking, I think she's the best on her field. But of course, the final say would still be coming from you, Mr. Numero," sagot naman ni Ms. Dela Costa. She looked pale I observed. Nasabi rin niya kanina sa lahat na may jetlag pa siya dahil kaninang tanghali pa siya bumiyahe galing Maynila.

Bumuntong-hininga ako. I leaned on the backrest of my swivel chair. They were all looking at me. Nasa sampo ka tao ang nakapalibot sa isang malaking mesa. Pakiramdam ko, para akong isang padre de pamilya na hinihintay ang desisyon para sa lahat. Wala kasi si Dad dahil may importante daw siyang aasikasuhin. So I was delegated to be his proxy.

"Alright. I'll personally talk to her. If she agrees, then we'll be taking her."

The members nodded and Ms. Dela Costa smiled. She then turned to her PowerPoint presentation. "So with this one, our theme will be the best of Davao. Sceneries, best tourist destination, local foods, and of course, at the center of it all would be the best mall. The Halara Mall."

The proposal continued. Pareho lang ang naging takbo ng diskusyon sa nangyari sa Maynila. It was a good thing for me. Hindi na ako nanibago dahil hindi naman iyon ang unang beses na nakadalo ako sa isang board meeting. I guess Dad's urge of my involvement paid off.

Gabi na ako nang nakauwi sa bahay. Nagtaka pa ako nang makapasok sa loob dahil sa sobrang katahimikan. Paakyat na ako ng hagdanan nang makita  si Manang.

"Si Dad po? Hindi pa ba umuwi?"

"Naku, Ser! Abala pa iyon. May dinner date sila ni Ma'am Yasmin!" sagot niya sabay hagikgik. Halatang natutuwa.

"Paano niyo po nalaman?"

"Umuwi kasi si Ser dito kaninang alas kuwatro para magbihis. Tapos tinanong ako kung okay na ba iyong suot niya. Parang binata lang! Tapos ang bango-bango pa. Sabi niya may date daw sila ni Ma'am!"

Tumango ako. I couldn't help but grin. Napagtanto ko na 'yon pala ang tinutukoy niyang importanteng aasikasuhin. Ngayon alam ko na na totoong mahal niya talaga si Mom. I thought it's past the time to show her how much he loves her.

I visited Lovely in the hospital the next day. Para na rin makausap ka tungkol sa proyekto. Nakaupo tayo sa canteen ng ospital at katatapos lang na mananghalian. The awkwardness between us has lessen. Parang kaswal na ang trato natin sa isa't-isa.

Una nating pinag-usapan ang tungkol sa kalagayan ng kapatid mo. Napag-alaman ko mula sa'yo na sa isang buwan na ang operasyon niya. Pagkatapos nito ay ipinaalam ko na sa'yo ang napag-usapan na bagong proyekto.

Hon, (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt