34

1.3K 53 9
                                    


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Mon, 7/27/2020, 09:01 AM
Subject: Chance

Hon,

Matagumpay kong naluto ang pancit canton. I was grinning from ear to ear while bringing it to you on a plate. Naka-upo ka na sa sofa na gawa sa rattan.

"Bon appetit," sabi ko sabay lapag nito sa center table. May dalawang nakasinding kandila na nasa loob ng baso na sa magkabilang dulo nito. Parang dinner with candlelight lang ah.

Nag-angat ako ng tingin mula rito para makita kung nag-iba ba ang hitchura mo at napalitan ito ng pagkamangha dahil sa ginawa ko nang makita ko ang pamumula ng buo mong mukha. Tinakpan mo ang 'yong bibig ng isang kamay at nanginginig naman ang mga balikat mo. It was then that I realized you were trying to stifle a big laugh.

Nagtagpo ang kilay ko habang tinititigan ka. "What?"

Hindi mo na talaga napigilan ang sarili mo at pinakawalan mo na ang pilit na pinipigilang tawa.

"Your face...you should...look at...your face..." putol-putol na pagkakasabi mo dahil sa matinding pagtawa.

Napadampi ako sa pisngi ko. Naguguluhan pa rin talaga. "Why? What are you talking about?"

Umiiling ka habang tumatawa. Hinayaan lang kita. Bigla mong binuksan ang backpack mo na nasa upuan at kumuha ka ng isang salamin. Iniabot mo 'to sa'kin at kaagad ko namang tinanggap.

Napamura ako nang makita ang hitchura sa salamin. Kaya ka pala tumatawa ay dahil napuno na ng dumi ang mukha ko galing sa maitim na kawali.

"What the fuck," usal ko at dali-daling kinuha ang lampara na nakapatong sa isa pang upuan at nagtungo sa may lababo para maghanap ng batya at maghilamos sa mukha.

"I'm sure mabubusog ako nito dahil sa matinding effort mo, Sais!" panunudyo mo habang naghihilamos na ako.

"Kumain ka na nga lang. Tirhan mo rin ako ah."

Nangingiting sinaluduhan mo ako. "Yes, Sir!"

Nang matapos sa paghihilamos ay nilapitan na uli kita. Medyo basa pa ang mukha ko dahil wala naman akong dalang bimpo o panyo. Naupo na ako sa tapat mo. Natigil ka naman sa pagkain at binuksan mo ang bag. Kumuha ka ng panyo mula rito. Hinagis mo 'to sa'kin at nasalo ko naman.

"Thanks," sambit ko at ipinampunas na sa mukha ang panyo. Nag-iwas ka ng tingin at nagpatuloy na sa pagkain.

"Here." Iniabot ko pabalik sa'yo ang panyo mo.

"Hindi pa tapos. May madumi pa sa ibaba ng mata mo."

I blindly dabbed on it again. Umiling ka naman at halatang dismayado dahil hindi ko natunton ang tinutukoy mo. Sa huli ay bumuntong-hininga ka at tumayo.

"Akin na nga 'yang panyo. Ako na." Hindi mo na hinintay pa ang sagot ko at nilapitan mo na ako. Kinuha mo ang panyo mula sa akin at pinunasan na ako sa mukha.

I was staring intently at your face while you were doing it. Pansin ko naman ang matinding konsentrasyon sa mukha mo habang ginagawa mo 'to.

"There...wala na," you softly whispered.

"Wala na ba talaga?" bulong ko pabalik. Nakatitig lang sa mga mata mo.

Hon, (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя