Tumalikod si Ms. Clever at humarap sa bintana, tinatanaw ang magandang tanawin sa labas.


"Tom Lucas, Mary Tomas and Jack Rey"


Nangunot nanaman ang noo ni Jake sa narinig.


Tom, Mary and Jack...


Kilala ko ba sila?


Inisip ko kung may narinig o naka-usap na ba ako ni isa sa kanila pero wala akong matandaan. Hindi ko nga sila kilala! Pero si Jake!? S'ya ang Head officer so I guess kilala n'ya ang mga members?


Tumayo bigla si Jake at dire-diretsong lumabas. Anong problema no'n?


Dahil ako nalang mag-isa ang nandito ay tumayo na rin ako. "Mauna na po ako, Miss Samantha."


Tumango si Miss dahilan para tuluyan na akong lumabas ng office n'ya. Iniisip ko kung nasaan si Jake. Hahanapin ko ba s'ya? Paano kung may gagawin pala? Hayaan mo na nga!


Nag-lakad na ako pabalik ng dorm para makapag handa sa klase ko mamaya ngunit bago pa ako maka liko sa dorm ay nakasalubong ko na si Belle.


Wait?


Saan s'ya galing? Anong oras palang, ahh? Tsaka bakit parang iba ang awra n'ya?...parang masaya s'ya.


Tinignan ko s'ya at sinuri. Nag-tataka naman s'ya sa ginagawa ko sakaniya.


"Anong ginagawa mo, Cass?" tanong n'ya.


"Mukhang masaya ka ngayon, ah? Anong ganap?" tanong ko.


Nakita ko ang unti-unting pamumula ng pisngi n'ya sabay takbo papunta sa dorm.


Luh?


Ano bang meron sa araw na ito at lahat nalang sila iniiwan ako?


Nang makapasok ako sa dorm ay hindi ako matingnan ng diretso ni Belle. Nagtataka na tuloy ako at medyo nakakahalata dahil sa kinikilos n'ya. Ayaw ko naman s'ya pilitin na sabihin iyon dahil alam ko na mag-kukusa naman s'ya.


Hinayaan ko nalang s'ya at nag handa na lang para sa pag pasok.


Sabay kaming lumabas ng dorm ni Belle.


"Hindi sasabay saatin sila Kate?" tanong ko habang nag-lalakad.


Tiningnan ako ni Belle na mukhang iniisip ang isasagot sa tanong ko.


"Hindi ko nga alam kung bakit wala pa sila, eh. Ma la-late na tayo." sabi n'ya.


Naghintay pa ulit kami ng limang minuto bago napag desisyunan na umalis na at baka hindi sila sasabay saamin ni Belle.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now