Kabanata 6 - Coincidence

160 58 56
                                    

Kabanata 6

Coincidence


NAGISING AKO SA sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Medyo masakit man ito sa pakiramdam ay napangiti ako sa ganda ng umaga.


Ang pagsikat ng araw para sa akin ay bagong bukas. A new start. A revival. A hope. It's another day for me, people.


Babangon na sana ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking sentido at ang pakiramdam na parang uhaw na uhaw. Napabuntong hininga na lamang ako, this is why I hate drinking. Hang over.


Nahihilo man, I decided to wake up and do my morning routine. Habang nagto-toothbrush ako ay inalala ko ang nangyari kagabi. Nang maisip ko si Adela ay nagmadali akong matapos upang i-check kung nandito pa ba siya.


Paglabas ko sa kwarto ay agad kong naamoy ang masarap na niluluto mula sa kusina. A smile plastered on my lips. Adela and her mother-like image.


She's an amazing friend right? Minsan childish, madalas parang nanay ko kung alagaan ako.


Now I wonder kung kamusta na sila Mommy, iniisip din kaya nila kung kamusta ako dito matapos kong bumukod. Malulungkot na sana ako pero naisip ko, it's my decision after all. Kailangan kong panindigan.


Isa pa, I'm at age naman na. Ayoko na din isipin ng iba na masyado akong umaasa sa aking mga magulang, that is one of the reason why I separated with them and move out in our grand mansion.


Nang diretso akong magtungo sa kusina ay nandoon nga ang aking kaibigan. Naka-apron itong pink at sumasayaw sayaw pa ang balakang habang nagluluto.


"Goodmorning." medyo matamlay kong sabi.


She stopped mixing and took a glance on me.


"Mabuti at wala kang pasok ngayon, salon tayo." Magiliw niyang pag-aya.


"Yeah, hindi naman ako iinom kung may pasok. After breakfast or before lunch?" tanong ko saka umupo sa sink,


"Before lunch na, maliligo pa ako." she's done with what she's cooking. She cooked fried rice, bacon, hotdogs and eggs. Nang tignan ko siya ay nakatitig ito sa akin.


"Hindi ba sumasakit ang mata mo? Magang maga oh." pang aasar niya na dinuduro pa ako.


"Baka sa sobrang puyat. Ano oras tayo natulog kagabi?"




"Hindi ko na din alam hahaha, ang alak talaga at ang mga nagagawa nito." umiiling nalang niyang sabi. Ang lalim naman non.


We ate and rest in the living room after. She also prepared para sa aming pag alis at pagpunta sa salon.


"Kaninong kotse?" I asked locking my door.


"Akin nalang bagal mo magdrive eh."


"No, you're a reckless driver." agad kong pagtanggi. Minsan ko pang naalala ng isang beses ay nabangga kami sa puno dahil sa sobrang bilis niya magpatakbo. Nagkaron kami ng parehong sugat noong araw na yon. Napagalitan din siya nila Dad.

"Tiisin mo nalang." maamo pa nitong sabi.

"Hay nako Adi." naiiling ko nalang na winika.


Kaagad nitong isinukbit ang kanyang mga kamay sa aking balikat pagkarating namin mismo sa mall.


So far, maayos naman ang pagda-drive niya ngayon. Medyo masakit padin ang ulo ko dahil sa hang over at siguro isa 'yon sa mga iki-nonsider niya kaya maingat siyang nagmaneho.


Almost Forever (Almost Trilogy 1)Where stories live. Discover now