Kabanata 5 - Emotional Breakdown

Magsimula sa umpisa
                                    

"Syempre kakainin ko, ano ka ba." pang aamo ko dito. Ang sungit, parang nanay.


"Oh edi simulan mo na aba." sabi nito ng may nanenermon na tono saka naghanda ng plato sa aking four seater na dining table.


Matamlay lang akong nakatingin sa kanya at pinagmamasdan ang pag aasikaso sa akin. I don't know what to do if I don't have you, Adela. Nasabi ko nalang sa aking isip.


Parehas kaming nakasalampak sa white fury carpet na nandito sa balcony ng aking kwarto. Ten bottles of beer are already down, taglima kami. We're both staring at the sky.


"Gia, bakit sa akin mo kinekwento ang lahat?" she suddenly asked.


I looked at her with a questioning reaction.


"Why not?" I just replied. Nahihilo na ako. Malakas ang tama sa akin ng beer, pakiramdam ko pa ay busog na busog ako at nasusuka.


"Dahil ba ako lang ang nandito para sayo?"


"Seriously Adelina, what kind of questions are you asking me?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya habang nilalaro ang kanyang buhok matapos niyang mahiga sa aking tiyan. Mas nasusuka tuloy ako.


"Gia Lavinya, kapag may problema ka wag kang mahihiya sa akin ha. Hindi ko palaging malalaman kung kailan mo ako kailangan." she snorted.


Natawa naman ako sa mga sinabi niya. Imposible. Kailan ba siya hindi na-informed kapag kailangan ko ng isang kaibigan.


Mas lalo akong natawa sa naisip ko. Eh siya lang naman ang kaibigan ko mula pa noon. Sino pa ba ang tatawagin ko.


Napaangat ako ng tingin dito ng bigla siyang bumangon at naupo ng naka-indian sit paharap sa akin.


"Mahal mo pa?" she impulsively asked.


My eyes widened at her sudden throw of question. Hindi ba uso ang pagdadahan dahan sa mga tao ngayon? Mahabaging diyos.


Seconds have passed and I'm still staring at her. Only the city sounds and a loud music from afar envelops the surroundings.


Bigla nalang itong mas dumikit sa akin saka marahang pinunasan ang pisngi kong kanina pa pala dinadaluyan ng mga luha. Ni hindi ko na naramdaman.


Muli ay niyakap niya ako ng mahigpit.


"Adi, bakit pa ba siya bumalik?" umiiyak kong tanong sa kaibigan. Halos humagulgol akong yumakap pabalik dito.


"Hindi ba niya alam na okay na ako? Ang tagal na tagal na non. Bakit nagpakita pa siya? At ang kapal ng mukha niya para umaktong ayos lang ang lahat. Ni hindi manlang ako binigyan ng oras, unang pagkikita namin matapos lang ng meeting ay binanggit na niya agad ang nakaraan. Ganon ba siya ka-unaffected? Bakit sa kanya ang dali?" humahagulgol kong sinabi.


People nowadays does not think of the possible outcomes and consequences of their actions. Baka nga isa pa ako doon.


Humans are selfish. We only satisfy ourselves not thinking that some of our actions can cause misery to others.


If I can have the opportunity to talk to those people who's expert in leaving the persons who only wants to love them dearly, I would tell them to stop. Because it fucking hurts.


Hindi ko alam kung lasing na ba ako, pero sigurado naman ako na alam ko ang mga sinasabi ko. At kahit lasing ako, nasasaktan pa din ako.


Hindi ko din alam kung ano bang rason niya para iwan ako noon, ng ganon ganon. Alam niyo yung parang bula? Bigla biglang nawala. Kumurap ka lang saglit, pagtingin mo wala na.


At kahit ano mang rason niya, hindi ko alam kung magiging valid ba ito sa akin. Hindi ko alam kung matatanggap ko pa. It's been eight fucking years. Sinong tanga ang hindi makapagmove-on ng ganyan katagal dahil lang sa isang taong walang label na relasyon? Ako lang naman yon.


I may be a spoiled brat, an only child who experienced luxury and such in life. I was raised being rational. My mother taught me to understand things. Why did this happen? What it has to teach me?


She told me that everything has its own reason. Lahat daw ng bagay ay may dahilan. Hindi lamang basta basta nangyayari. Lagi't lagi.


No matter how much I wanted to understand people who's good at leaving. I just couldn't. Laging mga naiiwan ang walang pagpipilian. Samantalang sila, marami. Yet they chose to hurt us. To leave. I sometimes wanted to consider leaving as bravery. But me experiencing it firsthand, I now think of it as cowardice.


Hindi ko na inisip kung may mali o kulang pa ba sa akin. I may be at fault for lacking at something, pero hindi yon rason para iwan mo ang isang tao. It will never ever be a valid reason.


But I already made up my decision. Ano man ang sabihin niyang rason sa akin. Hindi ko na matatanggap. I'm too wrecked to try again. Matagal na panahon kong kinulong ang sarili ko sa pag-asang babalik siya para magpaliwanag, pero huli na.


Ang sakit sa dibdib, ang sakit umiyak. At ang sakit narin ng mata ko. Pakiramdam ko anumang oras ay makakatulog na ako. Pero hindi mawala sa isip ko ang sakit. Ang sakit sakit magmahal ng totoo.


Hindi ako sigurado kung mahal ko pa siya, ngunit isang bagay lang ang sigurado ako ngayon. Unti unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng aking mga mata. Sigurado ako, mahal ko pa man o hindi. Huli na siya.


Huling huli na.

Almost Forever (Almost Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon