Bumalik na lamang siya sa silid. Louis felt that her body is heavy and tired. Humiga si Louis at hinayaan na buksan ang bintana at pinto. Wala yata siyang lakas para tumayo pa ulit.

Hinawakan ni Louis ang dibdib. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Ganito ba ang mararamdaman dahil nalason ang katawan niya? Kaya naramdaman niya ang pag-bigat ng puso at pati narin ang katawan? If she could only avoid him whenever their eyes meet. Sisiguraduhin ni Louis na hindi na niya ito papansinin kahit kailan!

Nagbuntong hininga siya at pinikit na lamang ang mata hanggang sa tingangay na siya ng kadiliman.

Paggising ni Louis. Akala niya magiging okay na ang pakiramdam. But, she's wrong. Mabigat parin ang nararamdaman. It's really funny to see herself drowning in sadness. Kailan ba siya naging ganito? Ngayon lang! Louis is good in pretending but now, napapagod at nagsasawa na siya sa sarili. Sa pagiging masiyahin niya kahit binalot ng kalungkutan ang puso.

Maybe, because Louis can't stand to see someone who carry a heavy heart like her? Ayaw niyang maranasan ng iba ang nararamdaman. Gusto niya kahit mayroon sa puso niya na kulang, gusto niya masaya siya sa tingin ng iba.

At si Louis lamang nakaka-alam ng totoo niyang nararamdaman.

“Are you okay ?” Dahan-dahan na bumaling si Louis sa pintuan.

Ngumiti siya ng makita ulit ang dalaga.

Ate Pipa!

“Mabigat lang ang nararamdaman ko, Ate Pipa. Siguro dahil nalason ako” Sabi niya dito.

“Are you sure na 'yon ang dahilan?” Tanong nito ulit.

Tumango siya dito.

“Pwede bang isarado mo ang binatana, Ate Pipa?” Pakiusap ni Louis sa Dalaga.

“Tumayo kana diyan at kumain, Louis” Ani ni Ate Pipa.

Umiling lamang si Louis. Wala siyang ganang kumain.

“Wala akong gana, Ate Pipa”

Hinila siya ng dalaga.

“Kailangan mong kumain!”

Napasimangot si Louis na sumunod sa dalaga. Louis look away when their eyes meet. Ito naman ang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Bigla na lamang kasi kumikirot ang puso sa nakikita.

Mabigat rin ang pag-hinga niya.

Louis stop and press her hand in her chest. Ano ba ang nangyayari sa kaniya at nararamdaman niya ito?

“Louis” Hinawakan siya sa braso ni Ate Pipa.

“Bigla na lamang mabigat ang pag-hinga ko, Ate Pipa. Hindi ko maintindihan”

Madiin na pumikit si Louis at huminga ng malalim.

“O-okay na ako”

Louis sigh heavily again. Hindi na niya dagdagan ang pag-aalala sa kaniya ni Kuya Argon at ng lahat. Siguro, masyado pa siyang pagod kaya nararamdaman niya ito.

“Pasensiya na. Okay lang po ako. Wag kayong mag-aalala” Sabi niya sa lahat.

Umupo si Louis sa tabi ni Kuya Argon. She quietly hinder her dizziness. At, kuyom ang kaliwang kamay niya. Habang kumukuha si Louis ng pagkain, nanlalabo ang paningin at nanginginig ang kamay niya!

Ano ba ang nangyayari sa kaniya?!

Napatigil si Louis at nabitawan ang kubyertus.

“Louis” Hinawakan ni Ate Pipa ang kamay niyang nanginginig. “Okay ka lang ba? Gusto mo muna magpahinga?” Nag-aalala na tanong ng dalaga.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon