CHAPTER 26

4.6K 317 25
                                    

CHAPTER 26

Sakura Archer’s POV

Tahimik kaming naglakad papunta sa Natural Swimming pool, hindi ko sinagot si Kenzo sa sinabi niya kanina. Hindi ibigsabihin na hindi ko siya sinagot, silence means yes na agad. Pero pag sinusulyapan ko siya habang naglalakad, pilit kong binabasa ang expresyon ng mukha niya. Parang disappointment? Wala naman akong sinabing gusto ko si Tyler?

Bilang isang babae, aaminin kong mahinahon at parang misteryoso si Tyler pero hindi niya rin ako pinabayaan. Hindi malabong magkagusto ako sa kaniya dahil magkasama kami lagi pero hindi ko nga alam kung paano ka magkagusto sa isang tao? At isa pa, iniiwasan kong magkagusto sa mga killers dito.

“Beer ang iinumin natin, tatlong kaha ‘yung dinala ko dito. Pag whiskey naman, baka malasing tayo agad.”

Saad ni Zeth, habang papalapit na kami sa kinaroroonan nina Tyler nakaupo sila sa batuhan habang may nakalatag na mantle sa gitna at mukhang naguumpisa na silang uminom.

“Let’s get drunk Zeth.” Sagot naman ni Kenzo at nauna siyang naglakad sa kinaroronan nila, pero bahagyang napataas ang kilay ko nung umupo siya sa tabi ng Thalia.

Tss, halatang hindi totoo ang mga sinabi niya sakin. Mga lalake nga naman, kalmado rin akong tumabi kay Tyler sa pagkakaupo sabay dampot ng chicken nuggets sa bowl at kinain.

Umupo naman si Zeth sa tabi ko at si Thadeus naman, nakaupo siya kanan ni Thalia kaya nasa kaliwa niya si Kenzo na nakaharap kami sa kanila. Napasulyap naman ako bigla kay Kenzo na nakatitig siya samin ni Tyler pero hindi ko siya pinansin at tumingin nalang sa mga pagkaing nasa harapan namin.

“You can't drink, Arix?” napatingin ako kay Thadeus na tinungga ang beer na hawak hawak niya kaya umiling ako sabay kuha ng barbeque at kinain.

Napatingin naman ako kay Thalia na inuunti-unti niyang iniinom ang beer pero alam kong umiinom siya ng mga alak, nahihiya lang siguro siyang tunggain ‘yun.

Kumunot naman ang noo ko nung makita kong inakbayan ni Kenzo si Thalia habang naglalaklak ng beer, nung maubos na lilapag niya ‘yun sa gilid at kumuha nanaman siya. Parang kanina lang, kayang kaya niyang iwan si Thalia para sakin tapos ngayon nagpapakita siya ng motibong hindi niya kaya ‘yun.

Napailing na lang ako sa utak ko sabay natawa ng mahina.

Naalala ko ‘yung sinabi niya kanina na may dala siyang hot coffe at nilagay niya sa Thermos pero mukhang Malabo nang mainom ko ‘yun ngayon.

“Arix, kahit isang bote lang uminom ka.” Napabaling ang tingin ko kay Zeth na inaabot niya sakin ang isang bote ng beer. Nagdadalawang isip ko pero maliit lang naman ‘yung bote kaya imposible naman na malasing ako nito kaya tinaggap ko nalang ‘yun.

_

Zeth Ridge’s POV

“That’s my gi—I mean BOY!” shit! Wrong move Zeth!

Pagkasabi ko ng salitang ‘yun, makikita ko sa mga mata ni Sakura na gusto niya ako sakalin pero tumawa lang ako ng normal pero kinakabahan dahil baka nahalata nila ang sinabi ko.

By the way, about earlier I heard their conversation in the woods. Kenzo confessed his love to Sakura, well I understand him. Sakura is truly lovely and talented but it doesn't mean that I like her, Tyler likes her too so I don’t want to compete with them.

“Cheers!” sigaw ko at tinaas ko ‘yung bote kaya ganun ‘din sila sabay inom. Pero kanina ko pa sinusulyapan si Kenzo na ang lalim ng titig niya kay Tyler at Sakura.

I’m a guy, so I can see the jealousy in his hazel eyes and his dark aura was rambling in the atmosphere.

“By the way Zeth, I want to talk with you.” napatingin ako kay Sakura dahil ‘dun at tumayo, ano naman ang sasabihin niya? Maybe she wants to confess about her hidden desire for me?

Just kidding.

Tumayo na rin ako at susundan siya dahil naglakad siya papalayo. Maglalakad na sana ako pero may biglang humila ng damit ko kaya binalingan ko ng tingin si Tyler.

“What?” mabilis na tanong ko dahil baka magalit sakin si Sakura pag nagtagal ako.

“Tell me everything.” tss, pag hindi ko lang ‘to kaibigan mag sisikreto ako sa gagong ‘to. Pasalamat ka mahal kita pfft.

“Alright.” Sagot ko sabay alis ng kamay niyang nakahila sa damit ko at nagsimula ng maglakad sa dinaanan ni Sakura.

Napatingin naman ako kay Kenzo na parang gustong sundan si Sakura dahil nakalingon siya sakin. Tss, you should stay here, ako naman ang sosolo kay Sakura.

Nung makita makalayo na ako sa kanila, nakita ko si Sakura na hinihintay ako kaya tumakbo ako sa kinaroroonan niya at huminto.

“Any problem Arix?”

To be honest with you guys, I want to call her ‘Sakura’ but she don't like it so I kept calling her ‘Arix’ instead of ‘Sakura’. She might kill me if I said that.

“There’s no problem, I want to give you some remembrance for our friendship.”

Friendship? That word is heartmelting.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at may nilagay siya ‘dun kaya tinignan ko naman agad.



Isang keychain na sakura flower ang nakasabit sa dulo?

“Bibigyan ko naman sina Tyler at Kenzo pero paguwi nalang dahil hindi ko gusto ang awra ngayon ng Kenzo pag nakita niyang binigyan ko si Tyler kaya ikaw muna.”

She gave me a cute keychain? I wanted to hug her right now but I can hold it.

I love my head.

“Thank you Arix, don’t worry I will keep this. From now on, this cute pink Sakura Flower key chain is already belong to my precious treasures.”

Narinig kong mahinang tumawa si Sakura sabay hampas sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya dahil ngayon niya lang ako hinampas habang natutuwa.

“Don’t take it seriously, it’s just a key chain.”

“If you've received a simple gift from a precious person, that gift would be your greatest treasure.” Saad ko sabay silid sa bulsa ko dahil pag nakita ‘to ni Tyler, malamang aagawin niya ‘to sakin.

“You’re corny Zeth, yet imaginative. but I’m glad to hear that.” sagot niya sabay ngiti.

Kahit medyo nakakatakot si Sakura pero alam kong hindi niya kami pababayaan, may pusong babae siya kaya dapat mag iingat kami sa mga galaw namin dahil napakasensitibo ang mga babae lalo na pag pumili siya ng mamahalin, dapat niyang ingatan ang mga babaeng katulad ni Sakura.

I've imagined her efforts just to enter ‘School of the Killers’. She wanted to avenge the death of her parents, Tyler said that to me, so she must be succeed to her bloody revenge.



For sure, we can't let Sakura fight WITHOUT US.

_

Hello Cherries!

Check my Facebook Account: Cherryypinks Uchiha

If you're my reader then you can join my group named: Miss Uchiha's Readers [Cherries Official Group]

Don't forget to vote and Follow me for more upcoming stories!

©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें