CHAPTER 16

5.3K 343 44
                                    

CHAPTER 16

“Sakura, is something bothering you?” tanong sakin ni Tyler sabay abot ng juice sabay upo sa harapan ko dito sa sala, tinanggap ko naman ‘yun at uminom ng konti.

Kanina ko pa pilit na tinutuon ang atensyon ko sa pinanonood kong movie pero hindi ko malilimutan ang nangyari sa public bathroom.

Tangina talaga, sana hindi nalang ako uminom! Pero sabi ng Kenzo na ‘yun tutulungan niya akong hanapin ang mga taong pumatay sa mga magulang ko pero may kondisyon naman ang gago. Hindi parin ako papayag na maging sunod sunuran niya ako, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong patayin siya.

“Sakura?” napatingin nanaman ako sa Tyler na ‘to, sabay salpok ng dalawa kong kilay sa kaniya.

“Sakura-hin ko mukha mo dyan, someone might hear you so stop calling me like that.” bulong ko kaya napatakip naman siya ng bibig niya.

“Sorry, but tell me what happened.” Uminom muna ako ng juice na binigay niya at nilapag ‘yun sa mesa.

“That fvcking Kenzo, he knows everything about me, at ang sabi niya pa kailangan kong sundin ang bawat utos niya kung hindi, mabubulgar ang identity ko.”

“He should've keep silent, baka paalisin ka ng Master dahil babae ka.” Shit, kailangan kong bilisan ang kilos ko bago malantad ang identity ko.

“We can investigate for your parent’s death, I will go with you.” dagdag ni Tyler kaya nginitian ko siya.

“Thank you for your kindness Tyler.” Kahit medyo magaspang magsalita at mukhang badboy si Tyler pero mukhang mabait siya at maaasahan. Mabuti nalang siya ang ka team mate ko.

“My kindness is only for rare and unique girl like you.” kahit mabanat minsan pero ayos lang dahil hindi naman ako kinikilig sa kaniya.

“Hindi ako kakaiba, babae lang ako na nagbabalat-kayo’ng lalake.” Sagot ko sa kaniya, pero kumunoot ang noo kong kakaiba nanaman ang titig niya sakin ngayon. Para bang hihigupin ako ng mga mata niya dahil napakalalim ang titig niya sakin.

“You’re a pretty flower, Sakura and I will not let those bastards pick my rare flower away me.” 

Tangina, napakaseryoso niya habang nagsasalita kaya umiwas nalang ako ng tingin. Oo, aaminin kong gwapo si Tyler pero hindi dapat mahulog ang loob ko sa mga killers dito.









Sana.

“By the way, tuloy parin ang mga mission natin kahit maraming damage ang Academy. We just wait for the signal.”

Tumango nalang ako sa sinabi ni Tyler. Mukhang mapapasabak parin pala kami at sana hindi na masasali sa team ko ang Kenzo na ‘yun.
_

“Sweet heart, here’s the mission paper tonight.”

Punyeta, pigilan niyo akong mataga ang gago na ‘to. Inaabot niya sakin ang isang papel habang  seryoso lang siyang nakatitig sakin.

Tangina! Parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya ngayon lang?! nanindigan yata ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan.

“Stop calling me like that.” seryosong wika ko sabay hablot ng papel.

“Fine sweet heart, can I come in?” hindi nalang ako sumagot at tinalikuran ko nalang siya, baka mapugutan ko pa ng ulo.

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod na sumusunod sakin kaya umupo uli ako sa sofa, may narinig kasi akong kumakatok kanina at siya pala ‘yun.

“Hey Kenzo! Napadalaw ka yata?” napatingin naman ako sa pintuan nung pumasok si Zeth at naglakad sa kinaroroonan namin.

Umupo naman si Kenzo sa harap ko habang tumabi naman sakin ni Zeth.

“We have a mission tonight, I’m joining his team again.” Tugon ni Kenzo sabay sandal sa sofa at pumikit, napatingin naman ako dito sa papel para malaman ang mission namin mamayang gabi.

“Our next Target is Illegal Place of Don. Quazei. 38 years old, hideout: ‘Men’s choice’. Expected number of men: 15-50.”

“Men’s Choice? That’s black market. They’re selling minors for bed satisfaction, in order to enter that place, I think we have to disguise like prostitutes.” Napatingin naman ako kay Tyler nung bigla siyang sumipot dito sa sa sala sabay upo sa kaliwa ko.

“Are you sure about that bro?! May mga muscle tayo, kaya mahahalata agad.” Reklamo ni Zeth, pero tama siya pero kumunot bigla ang noo kong napagtanto kong napatingin sakin ang tatlo.



















Tangina, sa titig nila alam ko na agad ang mangyayari!

“I think we can use Arix, he don’t have any muscles.”

Shit!




“You’re right Zeth, he’s a pretty boy here.” saad ni Kenzo pero nakapikit parin ang gago.

“Good idea, we will dress him like a girl.” Tangina, hindi ako kinampihan ni Tyler!

Bumuntong hininga nalang ako, dahil mukhang wala akong choice kundi babalik ako bilang isang babae pansamantala.

“The plan is, we will sell Arix then locate the owner of that place. After the bidding, we will approach Don. Quazei and kill him. This is the end of his illegal business.”

Saad ni Kenzo, pero ibebenta nila ako kaya makakapasok ako sa loob at malalaman ko kung ano ang ginagawa ng mga minors ‘dun.

_

Bumibiyahe kami sa private property ng Don. Quazei na ‘yun, pero nakasuot muna ako ng T-shirt at maong na pantalon dahil ‘dun naman daw ako bibihisan sa loob.

Naka tuxedo ang tatlo, para hindi kami paghihinalaan. Habang ang mga katana ko naman, nakasabit lang sa magkabilang gilid ng pantalon ko.

Nung huminto na ang kotse, pinark na ni Zeth sa natirang slot ng parking lot. Binuksan ko naman ang pintuan ng kotse at lumabas na kaming tatlo, napansin ko kaaagad ang napakadaming sasakyan habang may papasok na mga tao sa loob sa isang malaking building.

Dahil sa ilaw na nanggagaling sa posteng nakapalibot dito, maaaninag ko ang mga dumadaan at nakikita kong napakadaming lalakeng matatanda na papasok, sa porma nila mukhang mamayayaman talaga. Mayroon ‘ding kasing edad lang nina Tyler na mukhang interesado sila sa mga ganitong bagay.

Kung titignan ng building, mukhang tatlong palapag pero maririnig mo ang mga ingay sa ground floor at may apat na bantay akong nakita kaya nagsimula ka kaming maglakad papunta sa isang malaking entrance ng building.

“No weapons allowed.” Wika nung isang bantay habang nakatingin sa dalawang katana ko, kaya bumuntong hininga ako dahil ayaw kong humiwalay sakin ang sandata ko, kailangan ko ng gawin ang nararapat.





















“Don’t be so harsh babe.. this is my toys so let me in pleaseee~”

Fvck, nakakadiri dahil ngitian nila ako ng pangmanyak. Nagboses babae ako sa kanila at mukang nagulat si Zeth pero tinignan ko nalang siya at kinindatan, kung malalaman niyang babae ko. Ako nalang ang makikiusap sa kaniya.

“Sure my lady! Please come in!” sigaw ng isa pang bantay sabay hawak sa likod ko para makalakad ako sa loob pero nakita kong winaksi ‘yun ni Kenzo sabay tingin ng matalim sa lalake at sinabayan pa ni Tyler na ang sama din ng titig kaya tumikhim nalang ‘yung mga bantay.





©cherryypinks

SCHOOL OF THE KILLERS: Girl in Disguise [COMPLETED]Where stories live. Discover now