Pangsampung Kabanata

53 6 7
                                    

LILIM NA SUYO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LILIM NA SUYO

DIREK KYLER


Paano ba pasisiyahin ang sarili? Ano ang dapat gawin para malubos ang bawat sandali?

Habang patuloy na binibilangan ako ng panahon, may naglalandas sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dapat bang manatiling walang laman 'to, o makiramdam na may namumukadkad.

Mukhang malabo pa.

Hindi pa man namimilit na manggising ang tandang manok ay inunahan ko na itong bumangon. Pagkabukas ko pinto ng studio, bumalot sa buong katawan ko ang malamyos na yakap ng bumating hangin. Nagpakitang gilas naman sa pagkutitap ang mga munting bituin at ang kanilang ina ay hindi na mahagilap. Pinaradahan ang panding ko ng musika ng mga kuliglig habang ang dagat na matagal na nag-aabang ay tinatawag ang pangalan ko.

Hinayaan kong sumilay sa mga labi ko ang isang malapad na ngiti bilang pagbati sa kanila. Lumapit ako sa istanteng nangangalaga sa mga kagamitan ko at isa-isang kinuha ang mga kailangan saka nilapag sa mesa. Nang bumaling ako ay muntikan nang malaglag ang puso ko at napaatras habang walang tigil sa pagtaas-baba ang magkabila kong balikat.

"Magandang umaga, Mal!" Puno ng energy na pagbungad ni Howl na tila estudyanteng bumati sa guro. May pagtaas pa ng kamay at ang laki ng ngiting bubuhay para sa madaling araw.

"Hoy, ang ingay mo. Masigawan tayo ng kapit-bahay," Nagtitimping saway ko at nangangati ang kamay ko para tuktukan siya.

Pwede na siyang maging tandang na titilaok tuwing umaga. Dinaig niya pa 'yon.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at seating-pretty kung umupo sa harapan ko. "Ang aga mo naman magtrabaho. Hindi ka naman siguro nakikipaghabulan sa araw at buwan?"

"Ano sa tingin mo?"

"I told you last time, you shouldn't rush things. Ngayon, nagpupumilit ka na naman. Hahabulin ka ba ng manok?"

Umupo ako sa swivel chair ko at natuklasan ang organize arrangement ng mga gagamitin ko. Inilapag niya sa tabi ko ang isang tasang mainit na kape, sumasayaw pa sa ere ang mumunting usok nito. Nanghihikayat ang aromang kay lambing sa katawang-lupa kong nauuhaw.

"Para saan ang mga 'to?" Tukoy ko sa mga gamit ko at sa binigay niya.

Parehong nakatuon ang mga siko niya sa mesa habang nakahimlay sa mga palad ang ulo niya. "Sa tingin ko, kailangan mo ng tulong para simulan ang bagong araw."

Nagpakita naman sa kaniya ang ngiting may lasap na gaan at pagmamalaking nagbubunyag sa kaligayahan ko. Tinaas ko ang tasa bilang pagpugay sa kaniya.

Hinigop ko ito nang walang preno at hinayaang lumaguslos ang init na nanghahalina. Tila binayahe ako nito sandali sa langit, sakay sa ulap. Kumawala sa bibig ko ang isang buntong hiningang nagdadala ng maaliwalas na pakiramdam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling HirayaWhere stories live. Discover now