Panimula ng Kapitan

212 29 11
                                    

Sa panlasa ko'y ito ata ang pinakamakatotohanan sa lahat ng isinulat ko. Ramdam ko lang hahaha!

Ayokong makisabay sa uso ng iba. Ayokong haluan ito ng mga bagay na magpapa iba sa takbo ng utak ng aking mga mambabasa. Purong pagmamahal man ang nakapaloob sa kwento pero madaming gustong ipahayag. Hindi lang naman ito basta romance. Kung isa kang mambabasa na malawak ang pang unawa, maiintindihan mo ang daloy ng kwento, maging ang mensahe.

Muli ipinapaalala ko, lahat ng aking akda ay sarili kong gawa. Mahigpit kong ipinagbabawal ang kopyahin o angkinin. Kung may mahuhuli ka na katulad na katulad ng kwentong ito, pakiusap, isumbong lang sa akin agad. Ang mga larawan na inyong nakikita sa bawat kabanata ay sarili ko pong kuha at edit.

Dahil advance akong mag isip (minsan), humihingi na agad ako ng pasensya sa mga makikita niyong mali. Nagpapasalamat naman ako ng marami sa'yo at sa mga kasamahan mong mambabasa sa suporta at patuloy na pagbabasa ng akdang ito.

Isinulat ko ang istoryang ito dahil sa isang inspirasyon. Studio Ghibli, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo. Mr. Isao Takahata, salamat po dahil pina-realize niyo po sa akin na napaka-meaningful at colorful ng buhay.

Credits sa mga may-ari ng artworks (book cover) na ginamit ko! Salamat po!

Credits din po sa mga musicians na may-ari ng mga kanta sa bawat kabanata! Salamat po!

Maraming salamat, mateys! Magkita-kita na lang tayo sa huling pahina!

Captain Ryan O'Harra

Huling HirayaWhere stories live. Discover now