Panlimang Kabanata

110 21 47
                                    

SALUNGAT NA PAG IISIP

DIREK KYLER

Tila hindi maipinta ang mukha ko sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Unti-unting nagkuyom ang mga kamao ko at nag igting ang mga bagang ko habang sumisiklab ang galit sa pagkatao ko--- Oo! Galit talaga! Sino ba namang nanaisin na makita ang sariling pamamahay na parang dinaanan ng hagupit ng bagyo?!

Nakakapangsisi talaga!

"HOWL!" Galit na sigaw ko na halos umecho sa bawat sulok ng bahay ko.

Umaligid naman sa pandinig ko ang mabibilis na hakbang at papalakas ito nang papalakas papunta sa kinalulugaran ko ngayon. Ipinakita niya sa akin ang magulong itsura niya. Kung kanina ay mukhang disente siya, ngayon naman! Mukha na siyang bagyo! Siya ang puno't dulo nito!

Agad namang sumunod ang dalawang nakakagigil na nilalang saka umupo sa tabi ni Howl at nagpapakainosente! Arg!

"Tingnan mo kung anong ginawa ninyo! Pinadumi niyo ang bahay ko!" Sigaw ko sa kanila pero ang ginawa nila?

Nagrambulan pa sila sa harap ko! Dinambahan ng mga nakakagigil na dalawang nilalang si Howl saka dinilaan ng tuta ang mukha niya habang minamasahe naman ng pusa ang tiyan niya. Walang ibang ginawa si Howl kun'di ang mautas sa kakatawa habang pilit na pinipigilan ang dalawa. Mali 'to.

Napahawak ako sa sintido ko at mariing pumikit, "Dapat mag isa lang ako pero ano na? Nadagdagan ng 3 ang makikitira dito!" Gigil na bulong ko.

Dapat pala hindi ako pumayag sa alok niya. Saka pa ako nagsisi kung kailan huli na!

Matapos ko kasing pirmahan at pagkasunduan ang napag usapan kahapon, dito na sila tumambak! Hindi talaga sila umalis kahapon dahil inangkin na rin nila ang pamamahay ko! Nagdala pa ng tatlong malalaking maleta si Howl na naglalaman ng sandamakmak na damit niya at ang masama pa nito ay sa kwarto ko pa inilagay kaya pati kwarto ko, dinumihan niya! Akala ko kasi, 'yung linyang tumatak sa isipan ko ay nagpapahiwatig na magkasama lang kami tuwing sa oras ng trabaho. Kamalayan ko ba naman na pagtira dito ang puntirya niya kasama ang dalawang bubwit!

"Madali lang naman linisin 'yan. Hayaan mo at ako ang bahala diyan." Nagmamayabang na sabi niya saka umupo habang nilalaro pa rin ang dalawang nakakagigil.

"Siguraduhin mo lang." Binigyan ko siya ng matalim na titig bago padabog na umupo sa sofa na puro may mantsa ng kape at pulbo.

Dagdag pasakit pa ang mga ito. Sa halip na magiging matiwasay ang buhay ko, kabaligtaran ang nangyari. Tsk.

"Nga pala, kailangan na nating bumili ng mga materials mo para makapagsimula ka na." Tumayo siya saka maingat na inilapag ang dalawa sa sahig at lumapit sa akin.

"Kahit 'wag na. Nandiyan pa naman ang tablet at computer ko. D'on na lang ako gagawa."

"Who told you that you'll use any of them?"

Naglandas ang mga kilay ko at humalukipkip, "E ano ang gagamitin ko? Don't tell me, buong magdamag akong magdodrawing?"

Baka nga 'yon--- Traditional ang paggagawa ko sa halip na modern?!

Gumuhit siya ng malaking check sa hangin, "Exactly, Mal." Nakangising sagot niya na nagpanganga sa akin.

"Pabubulukin mo ba ako at ang bahay ko ng sangkaterbang papel?!" Muling tumaas ang boses ko at gan'on pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

Pinapakulo niya talaga ang dugo ko!

"Oh yes." Swabeng sagot niya at kinuha ang sandals niyang nagtatago sa ilalim ng mesa.

Huling HirayaWhere stories live. Discover now