Pang-apat na Kabanata

129 27 92
                                    

BAGONG AGOS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BAGONG AGOS

DIREK KYLER

"Thanks God. Buti na lang at hindi siya nilagnat."

Naramdaman kong may dumapo na kamay sa noo ko na dahilan ng dahan-dahan na pagmulat ng mga mata ko. Nahirapan akong aninawin ang paligid ko dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa paningin ko pero isang bagay lang ang nakakuha sa atensyon ko.

Coffee eyes.

"Magandang umaga, Mal." He softly greeted as I feel a strike down to my spine.

Tuluyan ko nang nakita nang ayos ang kabuuan niya nang sinangga niya ang sinag ng araw gamit ang malawak niyang likod habang nakatuon ang kaliwang kamay niya sa kabilang gilid ko. Katulad ng huling pagkikita namin, gan'on pa rin siya. Walang pinagbago sa kaniya ultimo ang buhok niya. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti habang namumungay ang mga mata niya. Napatawa ako sa ekspresyon na ipinapakita niya sa akin kaya umarko ang perpektong hugis ng kilay niya. Nagmamataray pala siya.

"Nakakatawa ka." Unang linya na ibinato ko sa kaniya at umupo, "Sorry. Hindi ko maiwasan ang sarili ko na matawa." Natatawang sambit ko habang kinukusot ang mga mata kong pugto.

Sa tagal kong nagbuhos ng luha, ganitong kabigat pala ang makukuha kong resulta.

"If that means, gaganda pala ang umaga mo kapag isang dyosa ang una mong makikita?" Nakangisi niyang pagmamayabang saka dumulas ang ilang hibla ng buhok niya sa malapad niyang balikat.

Sandali akong natigilan at sinundan ito ng hagikhik. Nanatili siyang nakatingin sa akin nang diretsyo, naghihintay sa sagot ko. Masyado niyang sineseryoso.

Nagkibit balikat ako, "Ewan." Walang kasigaraduhan na sagot ko habang natatawa pero gan'on pa rin siya. Walang kibo sa kinatatayuan niya.

"Pwede bang ganiyan ka na lang palagi?"

Agad akong natigilan sa sagot niya at napakurap ng ilang beses, "Ba-bakit?" Naiilang na tanong ko.

"Masaya ka." Simpleng sagot niya at muling sumilay sa labi niya ang ngiti niyang kanina pang pinapakita. Paano ba magkaroon ng ngiti na katulad ng kaniya?

Kaunting katahimikan ang namagitan sa amin pero naputol 'yon nang may puting pusa ang pumagitna sa amin at umupo sa kandungan ko. Sa pagkakaalam ko, wala akong inaalagaan.

"Meow!" Muling bati niya sa akin at--- namamalik mata ba ako? Parang nakangiti siya sa akin!

"Pa-paano napunta 'to dito? Ang huling kita ko sa kaniya ay kahapon ng umaga." Pagtataka ko habang nakaturo sa pusa.

Ito nga ang pusang 'yon! Tandang-tanda ko pa ang itsura! Ang ipinagbago ng itsura niya ngayon ay medyo nagkalaman ito at malinis. Mukha siyang pet ng mga mayayaman.

Huling HirayaWhere stories live. Discover now